SUSPENDIDO pa rin ang voter registration sa mga lugar na tinaguriang NCR Plus areas matapos na palawigin pa ng pamahalaan ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) doon.
“Because of the ECQ extension: For NCR+ : #VoterRegistration is suspended #WalangRehistro,” ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, sa kanyang Twitter account.
Samantala, tuloy naman ang voter registration sa mga lugar na nasa labas ng NCR Plus bubble at isasagawa ito mula 8:00AM hanggang 3:00PM mula Lunes hanggang Huwebes.
“For the rest of the country: #VoterRegistration is NOT suspended. Mon- Thur, 8AM-3PM,” aniya pa.
Matatandaang una nang sinuspinde ng Comelec ang voter registration sa NCR Plus areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, noong nakaraang linggo dahil sa umiiral na ECQ at Mahal na Araw.
Nagsimula ang pagpapairal ng ECQ noong Marso 29 at magtatapos sana hanggang kahapon, Abril 4.
Gayunman, dahil sa patuloy pa ring pagdami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar, ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at ng OCTA Research Group na palawigin pa ito ng isa pang linggo o mula Abril 5 hanggang Abril 11. Ana Rosario Hernandez
944145 263140Howdy! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 649478
198352 999193Id need to have to consult you here. Which isnt some thing Which i do! I enjoy reading a post that can make folks feel. Also, appreciate your allowing me to comment! 746061