Comfort food good for your mental health

Ang comfort food daw ay tinawag na comfort food, well, syempre, dahil sila ay comforting. Kapag kinakain mo ito, nagkakaroon ka ng espesyal na emotional and physical comfort.

Sabi nga ng mga psychologists, kung gusto mong guma­ling agad ang pasyente, bigyan mo siya ng pagkaing comforting and appropriate para mapasaya mo ang kanyang utak at puso.

Iba-iba tayo ng comfort food. Ako, sinigang dati ang comfort food ko, pero lately, pwede na rin ang ramen. Hindi yung instant noodles, lalo akong nai-stress doon. Yung totoong ramen. I’m glad, hindi chocolate o desserts, dahil bad sa appetite at sa diet, pero yung iba, kaya nila sa isang upu­an ang isang kahong chocolate lalo na kung galit sila o masama ang loob.

May mga Filipino comfort food din naman tulad ng Puto at Bibingka, pero mas masarap yata ang puto at dinuguan na may panulak na sago at gulaman.

Pwede rin ang adobo at isang platong balawbaw ng kanin, na kapeng barako naman ang panulak.

Pero teka, pahuhuli ba ang sumang malagkit, sumang balinghoy at sumang dapa — na sa mga kapampangan ay sumang bulagta! Isawsaw mo sa latik o sa matamis na bao, perfect! Tapos, may tsaang gawa sa dahon ng abokado at pandan, mapapa-wow ka talaga matapos dumighay. Makakalimutan mo talaga ang problema mo, pati pangalan mo!

Ina-activate daw ng comfort food ang ating dopamine. Ito yung chemical sa utak na nag-uutos sa ating maging kalmado at masaya. Ito ang dahilan kaya nagkakaroon ka ng mga favorites.

Ayon sa pag-aaral, natuklasang ang kumbinasyon ng perceived stress at pagkain ng comfort food ay nagi­ging sanhi upang kumalma ang ating kalooban.

Pinalalakas daw kasi ng pagkain natin ng pagkaing gusto natin ang serotonin sa ating katawan, at ginagawang aktibo ang ating endorphins. Ito ang mga kemikal sa ating katawan, na nakakapagpaganda ng ating mood at nakapapawi ng sakit — lalo na kung sinaktan ka ng taong mahalaga sa’yo.

Minsan, nagiging comfort food mo ang pagkain dahil ipinaa­alala nito sa’yo ang isang tao o isang pangyayari sa iyong buhay. pain.

Minsan, gusto mo ng comfort food dahil sa isang magandang alaala. Ngunit ano man ang dahilan mo sa pagkain ng iyong comfort food, kahit pa chocolate yan o ice cream, masasabing good for your mental health yan. Sana, pati na rin sa iyong physical health.

Jayzl Nebre