COMFORT WOMEN NANAWAGAN NA ISABATAS ANG PAGPAPANAGOT SA JAPAN

ni MA. LUISA GARCIA

NANAWAGAN sa Kongreso ang grupo ng mga kababaihan na sumusuporta sa tinaguriang “comfort women” upang magkaroon ng batas na pupwersa sa pamahalaan na ipatupad ang isang United Nations (UN) resolution upang papanagutin ang bansang Japan para makakamit umano ang halos walumpung taon ng minimithing hustisya ng mga naturang biktima ng pang- aabuso ng mga sundalong Hapones.

Kaugnay nito, ang mga grupo ng kakabaihan ay mariin ding tumutol sa kasalukuyang namumuong pakikipag- alyansa ng Pilipinas sa Japan at Amerika na maaari umanong magkaladkad sa bansa sa digmaan dahil sa namumuong iringan ng bansa sa Tsina sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga kasapi ng iba’t ibang pangkat na sumusuporta sa comfort women ay ang Lila Filipina, Malaya Lolas, at Flowers for Lola, Gabriela na nagdaos ng isang press conference sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City.

Ang panawagan ng grupo ay itinaon nila sa pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ngayong linggo.

“With the presence of the Japanese Prime Minister Kishida now, we reiterate our demand that the Japanese government recognize the comfort women and make reparations for them. There are very few survivors of them,” ang sabi ni Teresita Ang See, Co-convenor ng grupo ng advocate na Flowers for Lola.

“Nananawagan kami kay Presidente Bongbong Marcos na tumulong sa amin na makipag ugnayan kay Kichida.Para naman maibsan ang aming mga kaapihan ng panahon pa ng Hapon. Sana mabigyan na ng hustisya bago man lang kami mamatay.May hustisya kaming makamit. Ayaw na namin yung apology na sa sulat lamang.Ang gusto namin ay sa buong mundo malaman ang pag apologize nila.At ang pangalawa ay isulat sa kasaysayan ang mga krimen na ginagawa nila. At ang pangatlo ay kompensasyon. ‘Yan lang ang tatlong hinihingi namin,” ang sabi ng mahigit otsenta anyos ng comfort woman survivor na si Lolita Estelita Dy.

Samantala, iginiit naman ni Atty. Virginia Suarez, Human Rights at Feminist lawyer Kaisa Ka Chairperson and Kilusan Secretary General, na kailangan umano ay magsagawa ng batas ang Kongreso upang mapilitan ang pamahalaan na ipatupad ang UN Resolution na nakapaloob sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW), kung saan kabilang ang Pilipinas sa lumagda dito.

“There has to be a law.The United Nations said there was a resolution.The Philippine government is a signatory of that law.There should be a law to enforce that, there has to be a law, a local law.Kaya nga because of the CEDAW nagkaroon tayo ng magna carta for women. Because of the CEDAW nagkaroon tayo ng ibat ibang batas para sa mga kababaihan. Now with the CEDAW, resolution ito para dito sa mga lolas.There has to be a law to enforce that.We are pinning our hope sa ating Congress. Because once the Congress has made a law kaugnay ng CEDAW. Kailangan gumawa sila ng batas para magkaroon ng one operation fund. Gumawa siya ng batas para sa inclusion sa curriculum (upang maisama sa kasaysayan para sa susunod na henerasyon ang Comfort Women).Gumawa ng batas para sa rehabilitation ng mga lola.At batas para dun sa memorial para sa mga lola.Dahil kapag may batas na, di ba, the executive of course, cannot but, implement or execute the law.That’s the reason why tinatawagan natin ang ating Kongreso.Ang ating mga senador, ang ating mga congressman, na gawin n’yo po ang trabaho nyo para po sa mga lola.Walumpung taon na ang nakakaraan.Paubos na ang ating mga lola. ‘Yun man lang ang magawa nyo para sa ating mga lola,” ayon kay Suarez.

Ayon kay Suarez, 24 pa umano ang mga lola ng ang Malaya Lolas ay nagsampa ng reklamo sa UN Committee on the Elimination of Discrimination Against Women ng 2019 at 20 na lamang umano ang natira sa mga ito nang lumabas ang Resolution ng UN Committee on the Elimination of Discrimination Against Women.

Nitong nakaraan ay nasawi ang isa kaya 19 na lamang ang natira.

Sa ngayon ay umaabot sa 38 ang bilang ng comfort women na Filipino. 9 rito ay galing sa Lila Filipina.

“Sa hindi po pag aksyon ng gobyerno ng Pilipinas sa utos ng UN CEDAW, yung expert Committee. It can only advocate but it cannot enforce. Unlike the UN Security council. It can be enforceable, can clarify international standards based on this recommendation.But in the end, it all boils down to the political will of the Executive Department.That is really the problem with the executive department of the Philippine government,” ang sabi ni Sharon Cabusao-Silva, Executive Director ng Lila Filipina, Gabriela.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang naturang grupo dahil iniwasan umanong talakayin ng Pangulo ang isyu ng comfort women sa kanyang pakikipagpulong kay Kishida sa Malacanang at sinabi umanong ito ay naresolba na.

“Hanggang ngayon, wala pa ring ginagawa.Ano na ba ang mga natanggap na tulong ng mga lolas natin. Again, ang tulong mula sa DSWD, which is again, not in compliance to the CEDAW resolution,” ayon kay Cabusao-Silva.

“Alll the legal remedies here ay nagawa na, pero walang nangyari. Kasi hindi ka makakapunta sa ibang bansa kapag hindi mo inavail ang legal remedies dito.Tapos na dito,” dagdag pa ni Suarez.

Sinabi ni Cabusao Silva nagsumite na rin sila sa iba ibang congressman ng kahilingan upang maisama sa national budget para sa susunod na taon ang reparation funds hindi lang para sa mga comfort women, sa kanilang rehabilitasyon, kundi maging ang mga Filipinong biktima ng forced labor at iba pang uri ng brutal na karahasan na naranasan ng mga Filipino sa kamay ng mga militar ng naturang digmaan.

Iginiit din ng mga naturang grupo ng kababaihan na bukod sa reparation ay kailangan din umano maging opisyal na polisiya ng pamahalaan ng Japan ang paghingi ng tawad sa mga naturang Comfort Women, at kailangan aniya ay malaman ng iba ibang henerasyon ng naturang bansa ang tungkol sa nagawa sa kanila ng mga Hapones sa kasaysayan na kanilang pag aaralan.