COMFORT WOMEN PAUWIIN

IGINIIT  ni Senador Risa Hontiveros ang panawagan para sa repatriation para sa mga Filipino comfort women at kanilang mga pamilya.

Ginawa ito ni Hontiveros kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa nonprofit na organisasyon na Malaya Lolas, na binubuo ng mga Filipino na nakaligtas sa sex slavery.

“Labing-walo na lang ang natitirang Malaya Lolas. They cannot wait any longer,” ani Hontiveros.

“President Marcos and the entire administration must make good on their promise to extend aid and assistance to them. Hindi dapat hayaan ng ating gobyerno na pumanaw sila nang hindi nakakamtan ang hustisya para sa kanila.”

Bumisita rin si Hontiveros sa Bahay na Pula, na ginamit ng Japanese Imperial Army para magsagawa ng karahasan sa sekswal.

“Bahay na Pula has been torn down, leaving only its foundation behind. I hope this can be undone. Sana i-rebuild ito at gawing memorial site para sa lahat ng victim-survivors ng wartime sexual violence,” ayon sa mambabatas.

Si Hontiveros, may-akda ng mga batas laban sa sexual violence, pang-aabuso, at pagsasamantala ay naghain ng Senate Resolution No. 539, na humihimok sa gobyerno na tiyaking makatarungan at makabuluhang reparasyon ang ibibigay sa mga Filipino comfort women at kanilang mga pamilya. LIZA SORIANO