COMFORTABLE AND CUTEOUTFIT IDEAS NGAYONG VALENTINE’S DAY

CUTEOUTFIT IDEAS

(ni CT SARIGUMBA)

MALAMANG ay marami na ang excited ngayon at nagpaplanong mag-date para ma-relax at makapaglaan ng panahon sa mahal sa buhay. Hindi rin naman kasi kailangang maging ­magastos ang gagawing date. Kahit simpleng pagkain lang sa labas ay swak na. Puwede nga ring sa bahay na lang mag-date, magluto lang ng masarap at puwede nang pagsaluhan. Swak din ang paglalakad-lakad sa mall kasama ang mahal sa buhay.

Ngunit may date man o wala, masarap pa rin ang magbihis at ang magpaganda. Hindi naman kasi porke’t walang love life, pababayaan na natin ang ating sarili. Kaya naman, ngayong Valentine’s day, may ka-date ka man o wala, narito ang ilang komportable at cute na outfit ideas na puwede nating subukan:

 

RED HEART SWEATER

Isa nga naman ang kulay pula sa kinahihiligan kapag Valentine’s Day. Hindi rin naman puwedeng pulang-pula ka mula ulo hanggang paa.

At dahil medyo malamig na ang panahon, swak na swak ang sweater na may disenyong puso. Swak na swak itong ipares sa pants, jeans o skirt. Pagdating naman sa sapatos, swak dito ang heels o flat shoes.

Perfect na perfect nga naman ito ngayong Valentine’s Day. Bukod sa cute ang naturang outfit, komportable rin itong suotin.

SKIRTS AT HEELS O SNEAKERS

Kung pa-girl ka naman o paborito mo ang pagsusuot ng skirt, puwede naman ito ang suotin mo at paresan ng heels o kaya sneakers. Swak na swak ang outfit na ito kung may date ka o lalabas kayo ng boyfriend mo o asawa.

Hindi rin naman kailangang kulay pula ang skirt. Dahil kahit na anong kulay ay puwedeng-puwede ninyong subukan.

RED JUMPSUIT

Kung gusto mo namang mag-standout sa date ninyo ng mahal mo, swak na swak namang suotin ang red jumpsuit. Bukod sa maganda ito ay nakatatangkad din itong tingnan. Madali lang ding suotin ang jumpsuit at stylish pang tingnan. Bagay na bagay rin ang outfit na ito sa kahit na anong hugis ng katawan.

LONG SLEEVE AND RED PANTS

Isa rin ang red pants at long sleeve sa puwedeng-puwede nating suotin ngayong Valentine’s Day. Kung may date nga naman kinagabihan, perfect na perfect ang red pants at long sleeve. Komportable rin itong suotin at bagay sa kahit na anong okasyon.

PINK TOP AND JEANS

Bukod din sa red, isa rin sa magandang kulay na puwede na­ting subukan ngayong Valentine’s Day ay ang pink. Kaya naman, mag­hanap na ng kulay pink na damit, skirt at dress at suotin ngayong araw. Magaan din ito sa paningin.

FLIRTY SKIRT AT RUFFED SWEATER

Isa rin sa cute na cute tingnan ay ang mga flirty skirt. Puwede mo itong partneran ng ruffled ­sweater. Swak na swak ang look na ito ngayong Valentine’s Day.

LITTLE BLACK DRESS

Kung may isa mang outfit na hinding-hindi puwedeng mawala sa kahit na sinong kababaihan, iyan ang little black dress. Nakapapayat nga naman ito at nakatatangkad kaya’t hindi nawawala sa closet ng mga kababaihan. Napakadali lang din nitong suotin at bagay na bagay sa kahit na anong okasyon at kahit na anong panahon.

Ilan lamang ang mga outfit na nabanggit sa maaari nating subukan o kahiligan ngayong Valentine’s day. Gayunpaman, kahit na anong outfit ay puwede nating suotin. Basta’t bukod sa bagay sa atin, gusto natin ito at komportable tayo.

Tandaan, ang pagiging komportable ng isang outfit ang lagi nating isaisip sa pagpili ng susuotin. (photos mula sa pinterest.ph, hellofashionblog.com, mystylevita.com)

Happy Valentine’s day.