(ni CS SALUD)
DAHIL marami sa atin ang magtutungo sa sementeryo, kailangang magsuot tayo ng komportableng damit nang ma-enjoy natin ang pag-iikot at pagdalaw sa ating mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay.
Hindi nga naman lahat ng outfit o damit na gusto natin ay maaari nating suotin. Kumbaga, isaalang-alang din natin ang okasyon gayundin ang lugar na ating pupuntahan.
Kaya naman, sa mga nag-iisip nang isusuot, narito ang ilang simpleng style tips na puwedeng subukan:
T-SHIRT AT LEGGINGS
Kung mayroon mang outfit na maganda at komportable, nangunguna riyan ang t-shirt at leggings. Ilan ang mga nabanggit na klase ng damit ang makikita natin sa karamihan ng mga kababaihan.
Perfect na perfect nga naman kasi ang T-shirt at legging sa mainit man o malamig na panahon. Napakadali lang din nitong suotin. Pagdating sa t-shirt, piliin lang ang soft, well-made at loose fitting.
TUNICS O LOOSE FITTING LONG TOPS
Mainam ding suotin ang tunics. Napaka-versatile nito. Maganda at komportable rin itong suotin lalo na’t loose-fitting long tops ito. May iba’t ibang klase, kulay, styles, aptterns at fabrics din na maaaring pagpilian.
Swak na swak din ito sa kahit na anong okasyon. At kung namomroblema ka naman kung ano ang ipapares mo rito, swak na swak ang skinny jeans o ponte pants.
CARDIGAN
Isa pa ang cardigan sa mainam suotin. Kinahihiligan na rin ito, hindi lamang ng mga kabataan kundi ng kahit na sino. Komportable rin kasi itong su-otin at swak sa kahit na anong outfit o okasyon.
Marami ring klase, style at kulay ng cardigan ang puwedeng pagpilian. mayroon ding manipis at makakapal. Depende sa nais o gusto mo.
BALLET FLATS
Marami sa atin ang napakahilig magsuot ng mga sapatos na may matataas na takong. Nakadaragdag nga naman ng tangkad ang mga ganoong klaseng sapatos. May mga sapatos din kasing hindi komportableng suotin. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nating magsuot ng mga sapa-tos na may takong.
Halimbawa na lang kapag magtutungo tayo sa sementeryo upang dalawin ang namayapa nating mahal sa buhay. O kaya naman, kapag maglalakad-lakad tayo o magta-travel.
Para mas maging komportable, mainam ang pagsusuot ng ballet flats. Mas makagagalaw ka rin kapag ito ang suot mo.
Maganda rin ito, swak sa kahit na anong okasyon, may iba’t ibang klase ng style at kulay na maaaring pagpilian, mainam sa lahat ng klase ng outfit at higit sa lahat, komportable.
May iba’t ibang outfit nga naman ang puwede nating subukan na swak sa ating panlasa. Mga outfit na nakadaragdag ng ganda sa ating kabuuan. Gayunpaman, sa pagpili ng outfit ay laging isaalang-alang ang pagiging komportable. (photos mula sa millennialboss.com, google at the-sister-studio.com)
Comments are closed.