COMMAND CENTER NG MMDA GAGAMITIN NG COMELEC

NAKATAKDANG gamitin ng  Commission on Elections (Comelec) ang communications at command center ng Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) sa darating na halalan 2025.

Ito ay makaraang lumagda ng memorandum of agreement nitong Martes ang Comelec at MMDA kung saan ang command center ay gagamitin bilang hub para sa Comelec coordinating activities.

Magbibigay ang MMDA ng karagdagang tauhan ,equipment tulad ng deployable cameras at body-worn cameras ,radios at iba pang communication devices na idedeploy sa critical areas para sa election-rekated monitoring at communication activities at iba pang resources sa midterm elections.

Bilang karagdagan sa CCC, magbibigay din ang MMDA sa Comelec ng access sa kanilang mobile command center para mapadali ang real-time monitoring.

Bilang bahagi ng kasunduan, magtatalaga ang MMDA ng isang kinatawan sa Comelec command center para sa final testing at sealing, international observation, mock elections, at iba pang kaugnay na aktibidad sa halalan.

Dagdag pa rito, ang mga opisyal ng MMDA ay dapat magbigay ng storage  para sa mga nakumpiskang mater­yales kung kinakailangan.

Pinasalamatan ni Comelec chair George Erwin Garcia ang MMDA sa pakikipagtulungan nito.

PAUL ROLDAN