HINILING ni Senador Richard Gordon na maglagay ng command at control center para mapangalagaan ang tumataas na bilang ng positibo sa coronaviris Disease 2019 (COVID 19) cases.
Ayon kay Gordon, chairman at CEO ng Philippine Red Cross, kailangang i-centralize ang command and control center at maglagay ng hotline para ang mga taong infected ay makatawag muna sa halip na pumunta agad sa ospital.
“Dapat may command and control center na maga-address ng referral systems for both public and private na ‘yung capacity nila ay hindi mao-overwhelm. Eh, para kang nagsasalansa diyan, parang meron kang booking, meron kang front desk sa hotel. Dapat may telemed doctor doon para kapag tumawag ‘yung mga tao masasabi sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin at saan sila pwedeng magpunta,” ani Gordon.
Dagdag pa ng senador, dapat ding may kinakailangang impormasyon ang nasabing center para makadirekta sila sa mga tao na kailangan i-admit sa hospital o sa quarantine facilities upang sila ay ma-accommodate
Ayon pa kay Gordon, ang mga doktor o mga taong may medikal na kaalaman ay dapat sagutin ang katanungan ng mga suspected na may COVID-19 symptoms
“Definitely, ‘di ba dapat meron center of clearing area tayo na pwedeng magsabi na sa QI, puno na du’ n ka na lang sa ano magpunta…’Yun ang kelangan ngayon, dapat may hotline na mapapagtanungan kung anong gaggawin. At para ‘di masyadong marami nagpupunta sa ospital, mag-isolate ka muna, kung kaya naman ng home quarantine based sa symptoms na dinisclose,” ani Gordon. LIZA SORIANO
Comments are closed.