NAGLAGAY ng mga bagong opisyal sa Philippine National Police Command Group si PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr.
Sa huling balasahan, umangat sa pangatlong pinakamataas na puwesto sa PNP bilang The Deputy Chief for Operations (TDCO) si Lt. Gen. Michael John Dubria, ang dating Chief of the directorial staff (TCDS).
Pinalitan ni Dubria si dating TDCO Lt. Gen. Jonnel Estomo na inilipat sa Directorate for Plans.
Umangat naman sa puwesto na binakante ni Dubria na TDCS, ang pang-apat na pinakamataas na posisyon sa PNP, si Maj. Gen. Emmanuel Peralta ang dating Chief ng Directorate for Operations (DO).
Inilagay naman bilang bagong Chief ng DO si Brig. Gen.Leo Francisco, ang dating regional director ng Police Region Office (PRO) 6.
Samantala, si Maj, Gen. Bernard Banac na pinalitan ni Estomo sa Directorate for Plans ay itinalaga naman bilang bagong chief ng Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM) kapalit ni Maj. Gen. Valeriano De Leon na nagretiro kahapon.
Ang mga bagong appointment ay epektibo kahapon, Mayo 8.
EUNICE CELARIO