BILANG pagdiriwang sa ika-150 kaarawan ni General Emilio Aguinaldo na siyang pinakabata at kauna-unahang Pangulo ng Filipinas, inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang commemorative stamps bilang pagkilala sa revolutionary leader na nagwagayway ng bandila sa makasaysayang Aguinaldo mansion sa Kawit, Cavite.
Pinangunahan ni Aguinaldo ang revolutionary forces laban sa Spanish Government noong 1896 at idineklara ang kalayaan ng Filipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Inilabas ni PHLPost Chairman Norman Fulgencio ang Commemorative Aguinaldo Stamps Frame kay Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles na siyang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang pagdiriwang sa Cavite.
Nauna rito, idinekalara ni Pangulong Duterte ang Marso 22 bilang “ Emilio Aguinaldo Day” na siyang kaarawan nito sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 621.
“Aguinaldo symbolizes the desire of the nation to be self reliant, independent and free from oppression,” ani Pangulong Duterte.
Ang nasabing commemorative stamp na may “colorful illustration” ni General Aguinaldo ay nasa halagang P12 at ang Souvenir Sheet naman ay ibinebenta sa halagang P55 bawat isa.
Nabatid pa na ang PHLPost in-house artist na si Rodine Teodoro ang siyang nag-designed ng dalawang magkaibang denomination ng stamp na kung saan ay 50,000 kopya ng stamps ang inimprenta.
Maaari ng mabili ang Stamps at Official First Day Covers of the Aguinaldo Stamp sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office, Liwasang Bonifacio 1000, Manila at iba pang post offices sa bansa.
Comments are closed.