MAKARAAN ang dalawang oras idineklara nang fire under control ang nasunog na commercial building sa Aurora Blvd. at EDSA sa Brgy. Socorro Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng umaga.
Tinukoy ang gusali na dating ACT Theater na sinasabing may ukayan at mga tindahan sa una at ikalawang palapag.
Halos dalawang oras ding pinagtulungan ng mga tauhan ng BFP at ng mga fire volunteer ang pag-apula ng sunog na iniakyat sa unang alarma nitong Huwebes ng alas 6:37 ng umaga.
Base sa inisyal na ulat, dalawang katao ang nilapatan ng first aid habang ang isa ay nahirapang huminga habang isa naman ang nasugatan.
Ligtas namang nakalabas ang lahat ng empleyado ng ukayan na naghahanda palang sanang magbukas ng tindahan.
P ANTOLIN