COMMERCIAL FISHING SA MUNICIPAL WATERS, KINONDENA

SAMA-SAMANG nagprotesta ang mga mangingisda, environmental groups, Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at OCEANA Philippines sa harap ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture nitong Disyembre 30.

Kinondena ng grupo ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa naunang hatol ng Malabon Regional Trial Court na nagpapahintulot sa mga komersyal na barko na mangisda sa loob ng 15-kilometer municipal waters.

Ayon sa mga grupo, malaking kapabayaan ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang pagpapaubaya sa ganitong gawain na direktang nakakaapekto sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda at sa likas na yaman ng karagatan.

“Ipinaglalaban na­min ang karapatan ng mga maliliit na mangingisda na protektahan ang kanilang hanapbuhay laban sa mga malala­king komersyal na barko na sumisira sa ating yamang-dagat” pahayag ng isang lider ng PMCJ.

Hinikayat nila ang BFAR at Department of Agriculture na agarang magpatupad ng mga hakbang upang ipatigil ang komersyal na pangi­ngisda sa municipal waters at masiguro ang sustenableng paggamit ng mga likas na yaman ng bansa.

RUBEN FUENTES