COMMERCIAL FLIGHT NG PAL BINUKSAN SA PALAWAN

BINUKSAN kahapon ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang commercial flight sa San Vicente Airport sa Palawan matapos ang inagurasyon noong nakaraang linggo bilang antisipasyon sa pagdagsa ng mga turista na tutungo sa maga-gandang beach sa nasabing lugar.

Ang naturang paliparan ang pinakamalapit sa El Nido resorts na dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng PAL na si Cielo Villaluna, ang San Vicente Airport ay dalawang oras lamang ang layo sa El Nido re-sorts.

Aniya, ang El Nido sa Palawan ay tanyag sa buong mundo dahil sa pu­ting buhangin at coral reefs nito.

Ang expanded flight ng PAL ay bilang suporta sa pamahalaan matapos pansamantalang ipasara ang Boracay para sa rehabilita-syon ng isla.

Bukod sa Palawan, ang PAL ay may commercial flight din sa mga lalawigan ng Cebu, Iloilo at Bacolod.

Napag-alaman na pinondohan ng Department of Transportation (DOTr) ang konstruksiyon ng San Vicente Airport sa halagang P62.7 milyon. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.