COMMITTEE CHAIRMANSHIP SA SENADO BUO NA

Senate President Vicente Sotto III

TAHASANG sinabi kahapon ni Senate President Vicente Sotto III na kasado na ang mandato ng mga senador para sa 18th Congress dahil sa 97.5% na ang naayos sa committee chairmanship.

Ani Sotto,  tanging 2.5% na lamang ang kanilang inaayos sa committee chairmanship na kanilang reresolbahin sa isasagawang caucus sa Lunes, Hulyo 22 matapos ang pagbubukas ng 18th Congress bago magtungo sa State of the Nation Address ( SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang nagkaroon ng agawan ng chairmanship sa Committee on Education sa pagitan nina Senadora Pia Cayetano na nais hawakan ang komite kahit na nagkasundo ang majority members sa isinagawang pagpupulong sa tahanan ni Senador Manny Pacquiao na hatiin sa dalawa ang chair-manship ng Education na mapupunta kina Senators Joel Villanueva at Win Gatchalian.

Napunta kay Gatchalian ang chairmanship ng Basic Education at kay Villanueva ang Technical and Higher Education.

Gayunpaman, hindi naman nabanggit ni Sotto kung ang Committee on Education ang kasama sa 2.5% na hindi pa naaayos ng Senado.  VICKY CERVALES

Comments are closed.