COMMUNIST PARTY OF CHINA BUMISITA KAY DUTERTE

Communist Party of China

NAG-COURTESY call kay Pangulong ­Rodrigo Duterte sa Malakanyang noong Lunes ng gabi ang mga Communist Party of China (CPC) leaders.

Sinabi sa press statement na ang courtesy call ni Chongqing Party Chief Chen Min’er at mga miyembro ng  CPC ay ginanap sa Music Room ng Palasyo.

Si Chen na itinutu­ring na “rising political star” sa China ay protege ni Chinese President Xi Jinping.

Naging Secretary si Chen ng Chongqing, na isa sa mga nangu­ngunang siyudad noong 2017 at naging parte rin ng 25-member Politburo, ang top decision-making body ng CPC.

Nagsilbi rin si Chen na gobernador ng Guizhou noong 2013 at pagkaraa’y naging vice governor din ng Zhejiang province bago na-promote bilang Secretary ng Provincial Communist Party.

Kasamang nagtungo ni Chen sa Malakanyang sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, Vice Minister of the International Department-CPC Central Committee (IDCPC) Guo Yezhou, Executive Vice Mayor of Chongqing Municipal People’s Government at Secretary General of CPC Chongqing Municipal Committee Wang Fu.

Dumalo rin sa nabanggit na seremonya ang mga mataas na opisyal ng gobyerno na kinabibilangan nina  Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) President Sen. Aquilino Pimentel III, Department of Energy Secretary at PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi, Cagayan Economic Zone Authority Secretary at PDP-Laban Vice President for International Affairs Raul Lambino, Department of Foreign Affairs Acting Secretary Jose Eduardo Malaya III, at mga senador na sina Christopher Lawrence “Bong” Go at Francis Tolentino.

Noong nakaraang Marso, tinanggap din ng Pangulong Duterte ang Chinese delegation sa pangunguna ni Song Tao, minister of the International Department of the Communist Party of China Central Committee.

Sa nabanggit na pulong ay ipinaliwanag ng Pangulong Duterte na walang kinalaman ang pamahalaan ng   Filipinas sa isinampang communication nina dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario laban kay Chinese President Xi Jinping sa  International Criminal Court. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.