ISINULONG ng Department of Agriculture (DA)-Cordillera ang isang estratehiya para sa promosyon ng “community farming” sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ipinatupad ng ahensya ang tinatawag na New Thinking in Agriculture strategy para sa efficient, effective, consolidated, mechanization at modern farming strategies sa small family farms sa naturang rehiyon.
Nabatid na puntirya ng DA ang mga pamilya na ginawa para lamang may masaka.
Naniniwala ang kagawaran na ang family farms ay maaaring maging commercial farms at panggagalingan ng maraming supply ng pagkain kung ang mga magsasaka ay bubuo ng kooperatiba. BENEDICT ABAYGAR, JR.