MINSAN, nagdadalawang-isip na tayong mangumusta sa ating mga kaibigan, kakilala o kapitbahay. Kadalasan kasing maririnig nating sagot nila: “Eto, natatakot sa COVID’.” o kaya naman: “Eto po, nawalan ng trabaho kaya hirap po kaming maka-survive bawat araw.”
Nakalulungkot. Talagang nag-iba na ang takbo ng ating pamumuhay mula nang hagupitin tayo ng pandemya ng COVID-19. Pero sa kabila nito, patuloy lang tayong manalangin na sana, sa kabila ng ating paghihirap ay mailigtas ang ating sarili, lalo na ang mga mahal natin sa buhay sa panganib ng pandemyang ito.
Pero alam n’yo po, tayong mga Pinoy, karamihan sa atin, kahit gaano kalaki ang problema, natural sa atin ang laging may ngiti. ‘Yung kapag napadaan sa umpukan, ‘di na maiiwasan ang magkakuwentuhan, magtawanan o anumang masayang nakagawian. Iyan ang hinahanap-hanap natin ngayon – na sana, maibalik pa sa mga darating na panahon.
At kahit nga kilala tayo sa pagiging masayahin, kilala rin tayo sa pagiging pusong-mamon: maawain, madaling maiyak sa malungkot na sitwasyon at malambot ang puso sa pakikisimpatya. Siguro nga, dahil sa mga katangian nating ito, nagagawa nating magpaabot ng tulong sa ating kapwa sa anumang paraan.
Siguro naman, lahat tayo pamilyar sa pagsulpot ng mga community pantry. Ang iba nga, nakatutuwa at may kanya-kanya pang diskarte para dumugin. Pero isang mahigpit na paalala lang, mga kababayan, maging maingat tayo kapag nagagawi tayo sa mga lugar na medyo maraming tao. Lagi nating isaisip ang ating kalusugan lalo na kung tayo ay nasa labas ng ating tahanan. Dahil ang panganib na mapupulot natin, maaari nating maiuwi at maging panganib din para sa ating mga mahal na pamilya.
Mula po kasi nang humambalos ang COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, talagang dumami ang bilang ng mga nagugutom at naghihirap. Hindi lang sa atin kundi maging sa iba pang sulok ng mundo.
Ayon nga sa Food and Agriculture Organization o FAO, humigit-kumulang 690 milyong indibiduwal (katumbas ng 8.9 porsiyentong kabuuang global population) ngayon ang dumaranas ng matinding gutom at paghihirap.
Sa report ng FAO sa State of Food Security and Nutrition in World 2020, sinabi nilang maaaring pagdating ng taong 2023 ay posibleng umabot pa sa 840 milyon ang bilang ng mga ito.
Ang pandemya ng COVID-19 din ang sinasabi nilang dahilan kung bakit lalo pang lumaganap ang malnutrisyon, partikular sa mga sektor na dati nang naghihirap.
Sa isinagawa namang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ikaapat na bahagi ng taong 2020, nakumpirma ang paglala ng taggutom sa bansa.
Kung noong 2019, naitalang 9.3 porsiyento ng kabuuang populasyon ng Filipinas ang nagugutom, dumoble ang bilang ng mga ito nitong 2020 na umabot sa 21.1 percent o mahigit 5 milyong pamilya. Mas malala pa sa naitalang hunger rates noong 2010 at 2011 na 19.9 percent.
Kahit bahagyang bumaba ang ating total hunger rates sa 16 percent noong Nobyembre 2020 mula sa record high na 30.7 percent noong Setyembre 2020, hindi naman mapasusubaliang 4 na milyong pamilyang Filipino ang nagdurusa mula sa matinding gutom.
Isinulong po natin ang Right to Adequate Food Framework Act o ang Senate Bill 138 na nagpapatibay na hindi lamang para sa charity ang pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailagan kundi isang legal entitlement. Dapat itong mabura sa ating lipunan dahil isa ito sa nagpapababa sa dignidad at yumuyurak sa karapatang pantao ng ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng mga nagsulputang community party, maaaring kahit paano ay matunton natin ang inaasam-asam nating Zero Hunger plan na pangunahing layunin natin sa ating panukala.
875691 191218I also recommend HubPages itself, and Squidoo, which is related. 185249
66223 398552This post is extremely appealing to thinking folks like me. It is not only thought-provoking, it draws you in from the beginning. This really is well-written content. The views here are also appealing to me. Thank you. 93350
299181 562973Immer etliche Firmen bentzen heutzutage Interimmanagement als innovatives und ergnzendes Gertschaft i. Spanne der Unternehmensfhrung. Denn hiermit wird Kenntnisstand leistungsfhig, bedarfsgerecht und schnell ins Unternehmen geholt. 860414
201904 355808You should join in a tournament initial of the greatest blogs on the internet. I will recommend this internet website! 897942
814107 227951Id require to verify with you here. Which is not 1 thing I typically do! I take pleasure in reading a submit that will make individuals think. In addition, thanks for permitting me to remark! 329018
190129 461511Do you wear boxers or biefs? I wana bui em. 150034
522909 265789Respect to author , some wonderful data . 40461