COMMUNITY QUARANTINE AT ANG SOCIAL DISTANCING PARA MALABANAN ANG COVID-19

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

MARCH 12, 2020, Huwebes, nagdeklara ang ating mahal na Presidente Rodrigo Duterte ng Mandatory Community Quarantine sa Metro Manila upang malabanan ang pagkalat ng nakahahawang sakit na COVID-19 na patuloy na lumolobo ang datos ayon sa Department of Health (DOH). Ibig sabihin nito ay magiging limitado ang kilos at daloy ng tao palabas at papasok sa Metro Manila. Suspendido ang mga kalakarang pampa­liparan, limitado ang pasok at labas ng mga sasakyan at suspendido ang mga klase sa lahat ng antas. Ang deklarasyon na ito ay gawa ng recommendation ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DOH, DOTr, AFP, PNP, DILG at ang Presidential Technical Advisory Panel.  Ito ay tinatawag ngayong Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ano nga ba ang tinatawag na “community quarantine” at bakit nga ba kaila­ngan nito?

Dahil ang sakit na COVID-19 ay naibibigay sa pamamagitan ng “droplet infection” at pagpahid sa bunganga at ilong ng mga bagay na kontaminado nito.

Hindi maaalis ang katotohanang madali itong makahawa. Ang Filipinas ay isinailalim na sa Code Red Sub level 2 na ang ibig sabihin ay mayroon ng ebidensiya ng community transmission at patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso na higit pa sa kakayanan ng gob­yerno na matugunan (source: Department of Health Alert Le­vels) at ang Filipinas sa ngayon ay nasa ilalim na ng “State of Public Health Emergency.” Sa mga statement na nabanggit maaaring ituring na ang situation ng COVID-19 sa bansa ay seryoso.

Ang COVID-19 ay may incubation period na 10 to 14 days simula pagkahawa, na ang ibig sabihin na sa ilalim ng panahon na ito maaaring lumabas ang mga sintomas kung ikaw ay nakakuha ng virus na ito.

Ang sintomas na pangangati ng lalamunan, ubo, sipon at lagnat ay maaaring maramdaman ng tao pagkatapos ang period na asymptomatic (o ‘yung wala kang nararamdaman na sintomas).

Ang COVID-19 ay maaaring makapag-transmit  kapag ang isang taong mayroon nito ay nakakitaan na ng síntomas. Sinasabi ng ibang eksperto na kahit ang mga asymptomatic na mga pasyente  ay maaari ng makahawa ng iba, ngunit ang theory na ito ay hindi pa naba-validate ng mga pag-aaral.

Sa characteristic ng virus na ito, at dahil sa kakula­ngan na rin ng datos ng pag-aaral tungkol dito, ang pagpapatupad ng community quarantine ay maaaring isang mabisang pananggalang upang mabawasan ang mga kaso nito.

Ang general community quarantine ay hindi naman na­ngangahulugan na ang isang tao at isang pamilya ay hindi na maaaring lumabas ng kani-kanilang mga bahay, ang activities sa paglabas ng bahay lamang ang nililimitahan tulad ng hindi importanteng get toge­ther at meeting. Ayon sa guidelines na nilabas ng Malacañang, ang mga “mass gathering” na pinagbabawal ay ang mga sumusunod:

– Movie screening

– Concerts

– Sporting events

– Non essential work related meetings

– Entertainment- related meetings.

Maari pa ring magtipon sa religious gatherings at essential work related meetings, ngunit kaila­ngang obserbahan ang istriktong “social distancing” na ang ibig sabihin ay may espasyo na at least 1 meter radius bawat tao.

Ito ay pinatutupad mula Marso 15, 2020 alas-12 ng madaling araw hanggang April 14, 2020 ng alas-12 ng madaling araw.

Sa ilalim naman ng enhanced community quarantine ang tao ay dapat manatili sa bahay.

Ang transportation ay suspended, at regulated ang basic necessities.

Ang kompletong guidelines tungkol sa general community at enhanced community quarantine ay base sa gagawing guidelines ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Sa ngayon ang Metro Manila ay napapaloob sa General Community Quarantine.

Ibayong pag-ii­ngat at napakaimportante ng kooperasyon ng mga tao lalo na sa mga sitwasyon na tulad nito.

Disiplina at kontrol sa sarili ang importante. Ako po ay nananawagan na tayo po ay maging sensitibo at iwasan ang panic buying upang ang ibang tao ay makakuha rin ng kanilang pangangailangan.

Sa panahong ito ay masusubukan ang pagiging “tao” ng mga Filipino. Tayo ay magtiwala sa ating gobyerno sa mga hakbang para masugpo ang COVID-19. Panatilihing malakas ang ating resistensiya at iwasan ang pag-ubo at pagbahing sa mga matataong lugar sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, hugasang lagi ang ating mga kamay at mag-disinfect gamit ang 70 percent alcohol.

Kung kayo ay may katanungan, maari pong mag-email sa [email protected] o mag-comment sa medicus et legem sa Facebook.

Comments are closed.