COMMUNITY TRANSMISSION NAGPATAAS SA COVID-19 CASES

Maria Rosario Vergeire

HINDI lamang ang pagtaas ng testing capacity ng Department of Health (DOH) ang pangunahing dahilan nang patuloy na pagtaas ng naitatalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Metro Manila, kundi ang pagkakaroon na rin ng community transmission sa rehiyon.

Ito ang inamin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual presser ka­makalawa.

Ayon kay Vergeire, nagsimula ang community transmission nang magsimula na ang pagluwag ng community restrictions sa bansa.

“Maaring ang pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila ay dahil sa increased testing capacity and community transmission na ating nararanasan nang simulan natin ang pag-ease ng community restrictions,” pahayag pa ni Vergeire.

“And also, there is really community transmission. This is not just because we are testing more, but this is really a result of community transmission,” aniya.

Nagbabala rin si Vergeire na lalo pang iigting ang community transmission kung magpapabaya ang mga mamamayan at hindi susunod sa ipinatutupad na health at safety protocols ng pamahalaan.

Binigyang-diin pa ni Vergeire na malaki ang maitutulong ng pagtalima sa health protocols upang makaiwas sa COVID-19 infections ang mga mamamayan. ANA ROSARIO               HERNANDEZ

Comments are closed.