COMMUTERS NANAWAGAN NG TODO HIGPIT VS YOSI

Smoking

NARARAPAT  na higpitan nang todo ang pagpapairal ng Anti-Smoking law sa bansa.

Ang panawagan ay ginawa ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) makaraang makatanggap ng maraming reklamo na patuloy ang paglabag sa batas sa  public places, public transportation at maging sa mga vicinity ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), bus, taxi, jeepneys, grab at motorcycle riders.

Maging ang mga cigarette electronic viper devices ay talamak at lantaran ang panini­garilyo kahit pa may mga warning signs na “Bawal Manigarilyo”.

Reklamo pa ng PCMA kahit may mga buntis at mga senior citizen ay  hindi alintana ng mga smoker ang lantarang paglabag ay kung ibuga ang mga usok ay wala silang pakialam kung sino man ang maapektuhan.

Batay sa pag-aaral ay mas delikado sa kalusugan ng  mga tao ang second hand smoking o yaong hindi naniniga­rilyo ngunit nakalalanghap ng usok mula sa naninigarilyo.

Nanawagan ang mga commuter sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Transportation (DoTR), LRT, MRT, at mga local government unit na ipatupad ng mahigpit ang Anti-Smoking Law sa lahat ng public places at  PUV terminals. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.