CAVITE. – Hindi na umabot sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang 26-anyos na company emoloyee makaraang suwagin ng van habang ito ay tumatawid sa bahagi ng Governor’s Drive, Brgy. Bancal sa bayan ng Carmona, Cavite noong Lunes ng gabi.
Matinding pinsala sa buong katawan ang ikinamatay ng biktimang si Allen Francis Mamaril y Caubang ng Galleria Baclaran, LRT South Terminal, Taft Ave. Ext. Pasay City.
Arestado naman ang suspek na si Chember Albiana y Blasco, 24-anyos, ng Marcelo 1 Ext. Brgy. Bagumbayan, Taguig City.
Sa inisyal na police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na pauwi na ang biktima nang ito ay tumawid sa kalsada subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabundol ito aluminum van na minamaneho ni Chember.
May ilang metrong layo tumilapon ang biktima kung saan naisugod pa ito sa Pagamutang Bayan ng Carmona subalit idineklarang patay ng doctor.
Nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na nasa pokice detention facility kung saan sasampahan ng kaso sa Provincial Prosecutors Office. Mhar Basco