COMPETITION WATCHDOG MINO-MONITOR ANG OIL RETAILERS

Johannes Bernabe

ANG pakikipagsabwatan ng oil retailers ang puwedeng magtulak sa Philippine Competition Commission (PCC) na imbestigahan ang industry pla­yers para masiguro na ang presyo ng petrolyo ay mananatiling competitive, ayon sa isang opisyal kamakailan.

Inilahad ni PCC Commissioner Johannes Bernabe na ang  competition watchdog ay walang mandato para makialam sa pag-pepres­yo ng petrolyo pero makapag-iimbestiga ng ‘di makatarungang gawain na nagreresulta sa pagtaas ng halaga ng produkto.

Simula Martes, May 15, nagtaas ang presyo ng gasolina at diesel sa ng P1.10 at P1.20 ayon sa pagkakasunod.

“Ang binabantayan po ng PCC ay kung nagkakaroon ng kasunduan o nagkakaroon ng sinasabing abuso sa pagiging dominante sa merkado itong mga nangangalakal sa langis sa ating oil industry,” pahayag ni Bernabe.

Sinabi ni Bernabe na ang komisyon ay aktibong nagmo-monitor ng  “price patterns” at “data points” sa mahabang panahon para makita ang anumang nangyayaring ano­malya.

“Hindi puwedeng maikling period lang ang ating titingnan so medyo masalimuot na trabaho po ito,” sabi niya.

One thought on “COMPETITION WATCHDOG MINO-MONITOR ANG OIL RETAILERS”

Comments are closed.