COMPOUND NG ILEGAL NA PAIHI NG GASOLINA SINALAKAY

QUEZON- SINALAKAY ng puwersa ng pulisya ang isang compound ng pinaghihinalaang nagsasagawa ng paihi at nagbebenta ng mga gasolina na walang kaukulang permit sa Sitio Silangan, Brgy Guis-guis Talon, Sariaya sa lalawigang ito.

Napag-alaman sa ginawang beripikasyon ng kanilang permit na iba ito sa inisyung permit para sila makapag- operate.

Tumambad din sa raiding team ang 30 square tanks na naglalaman ng mga gasolina at methanol na hinihinalang ginagamit sa transaksyon ng paihi.

Ayon kay Sariaya Quezon Mayor Marcelo Gayeta, hindi nila pinapayagan ang ganitong mga modus sa kanilang lugar lalo pa na maaaring pagmulan ito ng mga pagsabog at sunog.

Nag-ugat din ang pagsalakay sa naturang compound dahil sa mga natatanggap na reklamo at sumbong.

Masusing bineberipika ni Gayeta kung totoo o hindi.

Kaugnay nito, may tatlong pang suspek na pinaghahanap ng pulisya ng Sariaya kasama na ang sinasabing may-ari ng naturang ilegal na negosyo.

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong kriminal.
RON LOZANO