COMPOUND SA BARANGAY TANDANG SORA INI-LOCKDOWN

Joy Belmonte

IDINEKLARA ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon na ilagay sa “special concern lockdown”  ang isang compound sa Barangay Tandang Sora matapos na makapagtala ng hawaan sa COVID-19.

“We had to place this area under lockdown so as to stop further infections. From an index case, she has infected more people because of a social gathering,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Sa index case, isang government employee na bagaman nagpapakita umano ng mga sintomas ng virus nitong unang Linggo ng Disyembre, nakisalamuha pa rin sa kanyang pamilya, at dumalo pa sa birthday ce­lebration ng kaibigan.

Nang isailalim sa swab test noong Disyembre 9 ay lumabas na positibo sa COVID-19  ang nasabing empleyado.

Umaabot naman sa 81 katao ang nakalistang nakasalamuha ng empleyado, kabilang ang isang buntis, pitong senior citizens, at anim na minors.

Sa 44 katao na nakasalamuha ng empleyado na isinailalim sa swab test, sampu ang nagpositibo sa virus dahilan upang isailalim sa ‘special concern lockdown’ ang nasabing compound sa Brgy. Tandang Sora Ba­lara habang ang iba pang nakasalamuha ay naghihintay pa ng resulta.

“This is a perfect example of why it is important not to engage in any social gathering such as parties and reunions because one can get infected just by comingling with a symptomatic individual,” giit ng alkalde. EVELYN GARCIA

Comments are closed.