COMPREHENSIVE DRIVER’S EDUCATION PROGRAM INALMAHAN NG COMMUTER, TRANSPORT GROUPS

GOOD day, mga kapasada! Kumusta po ang buhay?  Sa isyu pong ito ng Patnubay ng Drayber ay inyong matutunghayan ang samu’t saring problema at mga balitang makatutulong sa inyong hanapbuhay — ang paggulong sa lansangan araw-araw para kumita kahit hindi sapat dulot ng COVID-19 pandemic.

Kahit papaano, may dulot na kasiyahanan ang mga paksang ating tatalakayin sa inyong hanapbuhay bilang driver o operator ng pampasaherong sasakyan. Lubos na nahihiwagaan at ‘di pa rin maunawaan ng driving public kung bakit kailangang kumuha muna ng Comprehensive Driver’s Education para sa renewal (CDE) ng driver’s license.

Ayon sa mga commuter at transport group, hindi katanggap-tanggap ang bagong patakaran ng Department of Transportation at Land Transportation Office (DOTr-LTO) sa transportasyon.Hinaing ng grupo, hindi pa rin nila maunawaan ang bagong policy dahil kung wala ka namang ginagawang paglabag sa batas ng trapiko, bakit kailangan mo pang kumuha muna ng CDE bago makapag-renew ng license.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), suportado niya ang posisyon ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na wala sa probisyon ng Republioc Act 10930 na kailangan ang nasabing CDE sa pagre-renew ng driver’s license. Mariing sinabi ni Atty. Inton na “100 percent niyang sinusuportahan si Congressman Rodriguez lalo na nga at nasa pandemya pa tayo, at dagdag na pahirap ito sa publiko.”  Nauna rito, inihain ni Rodriguez ang House Resolution 2325 na nag-uutos saDOTr-LTO na itigil ang nasabing bagong policy ng pagkuha ng CDE bago makapag-renew ang isang tao ng kanyang driver’s license.

70% NA KAPASIDAD NG PASAHERO

Mga kapasada, ikatutuwa ninyo ang bagong kautusan na ipinalabas ng pamahalaan na may kinalaman sa public transport. Ayon sa LTO, simula nitong  Nobyembre 4, ang passenger capacity para sa ilang piling public utility vehicles (PUVs) na ang operasyon ay sa Kalakhang Maynila at sa NCR Plus ay itataas sa 70 percent mula 50 percent.Ang pagtaas ng passenger capacity ay batay sa Memorandum Circular 2021-064 na ipinalabas ng LTFRB noong Nobyembre 2, 2021.

Ayon sa itinatadhana ng naturang memo circular, ang public utility buses (PUBs), public utility jeepneys at UV Express na bumibiyahe sa Kalakhang Maynila at sa mga karatig-lalawigan ng Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan ay maaaring bumiyahe sa ilalim ng pinagtibay na passenger capacity na resulta ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 at sa masigasig na pagbabakuna ng pamahalaan kontra nakahahawa at nakamamatay na sakitMagugunitang noong Oktubre 28, 2021 ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng DOTr at LTFRB na ipatupad ang utay-utay (gradual) na pagtataas sa passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan, kasama ang mga road and railway system sa loob ng isang buwan hanggang sa makarating sila sa pahihintulutang full capacity o 100 percent na kapasidad ng pasahero. Nilinaw rin ng LTFRB na ang plastic barriers sa loob ng public utility jeepneys ay hindi na kailangan nationwide sa pasubali na gagawin ng mga pasahero ang wastong physical distancing, at mahigpit na susunod sa health and safety protocols upang maiwasan ang pagkahawa o makahawa ng COVID-19, ayon na rin sa kahingian ng IATF safety protocols.

PAGLILINAW NI CHAIRMAN DELGRA

Biniyang-linaw ni Chairman Delgra na hindi ang DOTr ang nag-utos na magkaroon ng plastic barrier sa pagitan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan gaya ng jeepney. Ayon kay Delgra,ang inilabas na protocol ng DOTr noon ay ang paglalagay ng plastic barrier  upang ihiwalay ang driver sa pasahero noong ang estado natin ay nasa General CommunityQuarantine (GCQ) noong nakaraang taon. Ipinaliwanag ni Chairman Delgra na ito ay dahil sa kahilingan ng maraming mananakay sa pagkakaroon ng dagdag na kapasidad sa mga PUV upangmagkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ang mga nasa industriya ng transportasyon. Ang pagdaragdag ng passenger capacity, ayon pa kay Delgra,  ay makatutulong na mabawasan ang hahapay-hapay na kondisyon ng pamumuhay ng mga sinalanta ng pandemya at dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na  nagdulot ng masamang epekto sa hanapbuhay ng mga driver at operator ng PUVs.

BALIK-GUNITA: BAKIT DEFENSIVE DRIVING?

Mga kapasada, sa totoo lamang ay we can’t go beyond the perimeter of defensive driving topic for discussion. Ito po ay dahil sa kahingian ng pagkakataon bunga ng maraming aksidente na nagaganap araw-araw sa lansangan na nagiging root cause ng pagkawasak ng ari-arian at buhay nang wala sa panahon. Kaya mga kapasada, habang may nagaganap na aksidente sa mga lansangan na ang ugat ay may kinalaman sa pagmamaneho ng mga sasakyan, patuloy po nating ipaaalala sa ating mga kapwa drayber ang kahalagahan ng DEFENSIVE DRIVING.

ANO PO BA ANG DEFENSIVE DRIVING?

Defensive driving means drving techniques that enhance safety of a person.  It is the next course that drivers learn after basic driving skills.  It helps prevent collision and save times, money as well as lives of the driver and its passengers. Eh, bakit defensive driving course?  Ito po at marami pang ibang mga katanungan ang natatanggap ng pitak na ito na dapat nating bigyang paliwanag. Sa maikling paliwanag, ang kahulugan po ng defensive driving, ayon sa pananaliksik ng pitak na ito, ay upang tiyakin na ang ating mga drayber ay handa sa anumang maaaring maganap sa ‘di inaasahang panahon kaya naman ang payo ng pitak na ito ay:maging maingat, maging laging handa, gumawa ng kagyat na karapat-dapat na aksiyon at hindi yaong ilalagay mo ang iyong kapalaran sa kamay ng ibang mga iresponsableng drayber gaya ng sinasabi ng National Safety Council na 77 percent  ng mga aksidenteng nagaganap sa mga lansangan ay bunga ng driver’s error. Mga kapasada, sa sinabing ito ng National Safety Council, kung ang ating mga drayber ay may malawak na kaalaman sa defensive driving, makatutulong ang mga ito para mapababa ang porsiyento ng nagaganap na aksidente sa mga lansangan araw-araw.

ELEMENTO NG DEFENSIVE DRIVING

Ayon sa turo ng defensive driving, sa pagmamaneho, maging pampasahero o pribadong sasakyan, laging magbibigay ng sapat na puwang (spaces) sa sinusundan.  Ayon sa estadistika, apat sa 10 traffic accidents ay kinasasangkutan ng rear-end collision. Ang naturang insidente sa banggaan ay maaari  sanang naiwasan kung nagbigay lamang ng sapat na distansiya ang sumusunod sa nauunang sasakyan sa halip na gawin ng drayber ang  tinatatawag na “tailgaiting habit”.Tumingin sa unahan – pagalain ang paningin sa kahabaan ng tinatahak na lansangan, sa unahan at sa buong paligid kahit na 100 yarda man lamang upang mabatid kung mayroong panganib sa daranan. Pagalain ang inyong paningin sa kaliwa at kanang bahaging minamanehong sasakyan  upang makita ang dumarating na sasakyan, mga pedestrian o kaya ay mga hayop na maaaring biglang lumitaw sa iyong daraanan na ‘di naman ninyo inaasahan. I-adjust ninyo ang peligro sa pamamagitan ng pagpapabagal ng inyong sasakyan o pananatili sa inyong linya at ‘di palipat-lipat upang maiwasan ang posibleng panganib.Iwasan ang palaging palipat-lipat ng linya.  Sikaping manatili sa tinatahak na linya atpanatilihin ang wastong tulin lalo na kung malapit sa matrapik na pook.  Laging alalahanin ang pananatili sa kanang bahagi ng lansangan at laging alamin kung sa daraanan ay may blind spot bago kayo magpalit ng linya para lumiko.Panatilihin ang proper driving position, pamalagiin ang comportable, upright driving position na ang dalawang kamay ay nakahawak nang mahigpit sa manibela (preferably at the nine and three o’clock positions) upang maiwasan ang anumang ‘di kanais-nais na magaganap sa anumang gagawing biglang pagmamaniobra

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!