COMPRESSED WORKWEEK ‘DI MANDATORY – DOLE

SEC BELLO III-A

PINAALALAHANAN kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang private sector workers at employers na ang compressed workweek ay dapat na nakabase sa voluntary agreement ng magkabilang partido at hindi dapat na magresulta sa pagbabawas ng kanilang mga kasalukuyang benepisyo sa mga empleyado.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, may umiiral na DOLE advisory na kumikilala sa kasunduan sa pagitan ng mga employer at mga empleyado, na magpatupad ng compressed workweek.

“The compressed workweek is not mandated, but we have existing guidelines on this. Its effectivity and implementation should be voluntary. We do not force them to implement the work scheme, because this is part of management prerogative. Both parties have the autonomy to reach an agreement as long as it does not violate our labor laws,” ani Bello.

“Also, the benefits of the employees should not be reduced due to the implementation of such work arrangement,” aniya pa.

Alinsunod sa Department Advisory No. 4 Series of 2010, ang compressed workweek ay inilalarawan bilang isang ‘flexible work arrangement’ kung saan ang anim na araw na trabaho sa loob ng isang linggo ay binabawasan, ngunit ang kabuuang bilang ng work hours kada linggo ay mananatili pa rin.

Ang normal workday naman na walong oras lamang ay da­ragdagan, ngunit hindi dapat na lalagpas sa 12 oras kada araw, nang walang katumbas na overtime premium.

“The concept can be adjusted accor­dingly depending on the normal workweek of the company,” ayon pa sa advisory.

Sinabi ni Bello na maraming konsiderasyon sa pag-adopt ng flexible work arrangements, ngunit nilinaw na ang layunin ng naturang iskima ay ang mapaghusay ang business competitiveness at productivity.

Layunin din, aniya, nito na bigyan ang mga employer at mga emple­yado ng flexibility sa work hours na compatible sa business requirements at pangangailangan ng empleyado para sa isang balanseng work-life.

Aniya, sa sandaling magkaroon ng reklamo o problema, ang kompanya at manggagawa ay ­maaaring magkasundo na ibalik na lamang ang da­ting normal work arrangement.   ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.