COMPTON SA TNT KaTROPA?

on the spot- pilipino mirror

MAY KASABIHAN na kapag may nawala ay siguradong may kapalit. Tulad na lang ng nangyari kay coach Alex Compton na inunahan ang Alaska management sa pagtanggal sa kanya. Nag-resign si Compton nang maramdaman niyang tsutsugiin siya sa team. Pinalitan siya ni coach Jeffrey Cariaso. Dahil nga mabait si Compton at maka-Diyos ay may magandang kapalit ang pag-alis niya sa Aces.

Tsika ng ON THE SPOT ay posibleng mapunta siya sa TNT KaTropa at papalitan niya si coach Bong Ravena bilang head coach bagama’t marami ang nakaaalam na ang  consultant ng TNT ang umaaktong head coach ng koponan. Let’s wait and see sa pagdating ni coach Compton sa KaTropa.



Pinakawalan na si Simon Enciso ng Alaska Aces kapalit ni TNTKaTropa Mike Digregorio, kasama pa ang 2023 2nd round pick. Inaprubahan naman ito ng PBA kamakalawa ng hapon.  Si Enciso ay may average na 10.2 points at 3.8 assists. Makakasama ni Simon ang  beterano ng TNT na si Jayson Castro para tulungan ang kampanya ng koponan simula sa March  1, 2020.

Speaking of Castro, how true na iti-trade na rin ito? Si Jayson umano ang dahilan kung bakit hindi nakapasok sa finals ang TNT. Dahil hindi naglaro nang mabuti ang basketbolista. Nakitaan daw ng katamaran sa paglalaro si Castro na panay ang pasa lang ng bola sa kanyang teammates para ang Me­ralco Bolts ang manalo at pumasok sa finals kalaban ang Brgy. Ginebra.



How true naman na ayaw na raw ni Sol Mercado sa kampo ng NorthPort Batang Pier? Kesyo gusto raw nitong magpa-trade sa ibang team. Kung si Mercado ang masusunod ay mas nanaisin niyang bumalik sa Meralco Bolts or kaya ay sa Rain or Shine Elasto Painters. Masyado kasing nagagamit si Sol sa Batang Pier at nagiging madalas ang paglalaro niya kaya lagi siyang injured.  Ang tanong, i-trade naman kaya siya ng North-Port? Tsika pa namin, ayaw na raw ibigay ng Batang Pier itong si Christian Standhardinger dahil sa matinding ipinakita ng Fil-German sa kampo ni coach Pido Jarencio. Ang plano sana ay  ililipat ito sa Magnolia Hotshots pero nagbago na ang ihip ng hangin.

Malamang ay si Mo Tautuaa ang ilipat sa Magnolia pero dahil sa sister team ang SMB at Hotshots, kailangang may gamiting isang team tulad ng Blackwater Elite. Sakaling matuloy ito, puwedeng ibigay ng Magnolia sina Justine Melton at Rome dela Rosa. Hintayin natin kung papayagan ito ng PBA.



PAHABOL: Happy, happy birthday sa eldest ko na si Zia Rechev Aquino Jingco. Parang kailan lang ay kasa-kasama kita sa PBA games. Ngayon ay may sarili ka nang pamilya. I wish you more birthdays to come, long life, good health para sa anak mong si Forky. We love you and Forky. God bless!

Comments are closed.