MARAMI pang negosyo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine ang papayagang muling magbukas simula sa Agosto 1, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Ani Lopez, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng kanyang ahensiya na unti-unting buksan ang review centers, gyms, at internet shops simula sa 30 percent capacity.
Ang mga computer shop ay papayagang magbukas nang sa gayon ay magkaroon ng online access ang mga estudyante sa paglipat ng mga eskuwelahan sa blended learning.
Sinabi ng kalihim na ang mga review center ay maaari lamang mag-accommodate ng hanggang 10 seats sa loob ng isang kuwarto.
Ang iba pang safety protocols na ipatutupad sa naturang centers ay ang pagsusuot ng face mask sa loob ng kuwarto, mahigit sa isang metrong distansiya sa pagitan ng mga silya, at madalas na pag-sanitize sa mga kuwarto,
Papayagan na rin ang personal grooming services, aesthetic services, maliban sa full body massages, at pet grooming shops sa GCQ areas sa susunod na buwan.
Samantala, simula rin sa Agosto 1 ay papayagan na ang mga serbisyong body massage, tattoo at body piercing, live events, entertainment industries, libraries, archives, museums at cultural centers, tourist destinations, at schools na nag-aalok ng lessons sa language, driving, dance, acting, at voice sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Patuloy namang ipinagbabawal ng pamahalaan ang operasyon ng sabong, beerhouses at mga katulad na establisimiyento na pangunahing nagsisilbi ng alcoholic drinks, ay ang kid amusement industries sa lahat ng uri ng community quarantine.
Comments are closed.