Tagumpay ang ginanap na libreng concert na handog para sa unang distrito ng Batangas nitong Sabado ng gabi, Disyembre 21.
Dinaluhan ito ng libo-libong mga Batangueño, kung saan nag-perform ang mga sikat na artist gaya ng Parokya ni Edgar, Alex and Toni Gonzaga, Andrea Brillantes, Flow G, Kiray and Mitch.
Sa dami ng dumalo, nagkaroon ng heavy traffic sa Sagbat, Barangay Lumbangan kung saan ginanap ang concert.
Ito ang unang star-studded concert na ginanap sa Nasugbu sa nakalipas na 15 taon, kaya naman hindi ito pinalampas ng marami, lalo pa nga at libre naman ang concert, at may libre ding sasakyang magpahatid sa mga nanood sa kani-kanilang barangay matapos ang palabas.
Bukod dito, lubos ding hinahangaan ng mga Batangueño ang Parokya ni Edgar sa mga kanta nilang Buloy, Harana at iba pa.
RLVN