MAYNILA – KALUNOS-LUNOS ang inabot ng isang babaeng nurse makaraang hindi na halos makilala dahil sa sunog na tinamo sa katawan nang makulong sa loob ng banyo nang tupukin ang tinutuluyan nilang Condominium sa Tondo kahapon ng umaga.
Dead on the spot si Karen Tan-Caparas, 29-anyos, ng Diamond Tower sa Masangkay St, Sta. Cruz.
Sa report ni Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshal Sr. Supt. Jonas Silvano, nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong alas 12:23 ng tanghali .
Natagpuan ang katawan ng biktima sa loob ng comfort room.
Ayon kay Silvano, malapit sa fire exit ang unit ng mga biktima kaya nagtataka sila kung bakit naiwan ito sa loob gayon na-kalabas ang tatlo niyang kasama.
Sa impormasyon, natutulog ang biktima nang magsimula ang sunog at naalimpungatan kaya tumakbo umano ito sa comfort room. PAUL ROLDAN
Comments are closed.