CONDO OWNERS BINALAAN

Atty Ariel Inton-5

BINALAAN ni Atty. Ariel Inton, founder ng Commuter Safety and Protection at siya rin traffic czar ng Quezon City, ang mga may-ari ng condominium na ginagawang  parking space ang mga sidewalk at kalsada.

Ayon kay Inton, bilang na ang kanilang araw sa patuloy na pagiging pasaway sa kalsada.

Iginiit ni Inton, chief ng QC Task Force Transportation, Traffic and Management (QCTFTTM), sa mga owner at operator ng mga condominium sa lungsod na sundin ang tamang pag-park upang maiwasan ang anumang aberyang kanilang kahaharapin.

Aniya, hahatakin at pagmumultahin ng TF ang mga violator na ginagawang garahe ang mga sidewalk at kalsada.

Sinabi pa ni Inton na sa kanilang clearing operations ay natuklasan ng TF na maraming condo owners at management ang nagtitipid umupa ng mga parking space, at sidewalks at kalsada ang ginagawang garahe.

“We will consider these vehicle abandoned and subject to be towed. Ang mga sidewalks garage ang main reason ng traffic at obstructions,” ani Inton.

“Tutuldukan ng TF ang isyung ito, huwag nilang subukan ang TF. I-tow namin lahat ‘yan at gagamitin namin ang mga clapping device. Nakabili nga sila ng condo million ang prices, tapos ayaw mag-rent ng parking,” dagdag ni Inton.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.