CONDO OWNERS TUTUGON SA PAGLUTAS SA ILLEGAL PARKING

NO PARKING-2

HANDANG sumunod at makipagtulungan sa Quezon City Task Force Transportation Traffic and Management ang mga may-ari ng condominium upang malutas ang problema sa paggamit ng mga sidewalk bilang parking at garahe.

Ito ang sinabi kahapon ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at head ng QCTFFM, matapos ang isang di-yalogo sa mga condo owner at management.

Ayon kay Inton, sa preliminary talks ay positibo ang pagtugon ng mga condominium owner at ma­nagement at nakapaglatag agad ng initial moves upang hindi na ga­wing parking space at garahe ang mga kalsada.

Nangako ang mga owner at management na sinumang hindi sumunod sa kanilang agreement ay kakaharapin ang anumang ipapataw na parusa.

Sinabi ni Inton na magandang tugon ito ng mga owner at management para sa tagumpay ng lahat ng residente ng Quezon City at higit sa la-hat sa pagsunod sa utos ni President Rodrigo Duterte na linisin at alisin ang lahat ng illegal structures sa kalsada upang malakaran ng publiko. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.