CONE, AUSTRIA ‘GRACIOUS’ WINNERS

Cone,Austria

MAPAGKUMBABANG ibinahagi ni Ginebra mentor Tim Cone ang kanyang Outstanding PBA Coach of the Bubble trophy sa isang taong pinaniniwalaan niyang karapat-dapat ding tumanggap ng parangal.

Kinilala ng pinakamatagumpay na coach sa kasaysayan ng liga si Phoenix counterpart Topex Robinson sa paggabay nito sa Fuel Masters upang maging isang kumpetitibong koponan sa maikling panahon sa Philippine Cup bubble.

Ang Phoenix ang second seeded team papasok sa playoffs sa likod ng Barangay Ginebra, at kinapos para umabante sa finals sa unang pagka-kataon sa franchise history nang matalo sa TnT Tropang Giga sa kanilang do-or-die Game 5 sa semifinals.

“He did such a tremendous job in the bubble coaching. So I just want to acknowledge him and share this award with him and that’s Topex Robinson,” wika ni Cone sa kanyang acceptance speech sa PBA Press Corps virtual Awards Night noong Linggo sa TV5 Media Center.

“Topex did a tremendous job with his team as well, so Topex this one is for you as well. All the best.”

Kalaunan ay tinalo ng Kings ang Tropang Giga sa limang laro sa best-of-seven finals upang kunin ang kauna-unahang bubble championship ng liga.

Si Cone ay kabilang sa ilang honorees na personal na tinanggap ang kanilang awards, kasama sina 2019 Baby Dalupan Coach of the Year Leo Austria ng San Miguel Beer, 2019 Danny Floro Executive of the Year Board Chairman Ricky Vargas, at Commissioner Willie Marcial, na ginawaran ng Mr. Executive title.

Inialay rin ni Austria ang tagumpay ng San Miguel sa 44th season sa lahat ng kanyang players makaraang mabigong makopo ang pambihirang  grand slam kasunod ng tagumpay sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Nagpadala ng congratulatory video messages sina Mrs. Lourdes Dalupan, biyuda ng yumaong ‘Maestro’ ng Philippine basketball coaching, at Bones Floro, apo ng yumaong team owner ng sikat na Crispa Redmanizers, sa lahat ng major winners.

Nagbalik-tanaw naman si Bulakan, Bulacan Mayor at 25 PBA Greatest Players member Vergel Meneses sa kanyang makulay na playing career nang tanggapin niya ang 2019 President’s Award, habang tinanggap ni Vargas ang kaparehong parangal sa ngalan ng 12 koponan na nag-sakripisyo para matagumpay na maipagpatuloy ang 45th season sa Clark, Pampanga.

Pinarangalan din si NorthPort veteran Sean Anthony bilang 2019 Defensive Player of the Year.

Ang iba pang 2020 top performers ay sina Justine Chua (Top Bubble D-Fender), Al-Bubble D-Fenders Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger, at  Chua, RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champ), Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Bubble) at ang All-Rookie Team nina Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona, at Renzo Subido.

Isang special citatlon ang ipinagkaloob din sa PBA staff, na tinanggap ni Deputy Commissioner Eric Castro, para sa non-stop work nito para masiguro ang kaligtasan sa Clark bubble.

Samantala, ang iba pang 2019 batch of awardees ay kinabibilangan nina Terrence Romeo (Mr. Quality Minutes), June Mar Fajardo (Order of Merit), Perez (Scoring Champion), NorthPort vs. NLEX (Game of the Season), Perez, Robert Bolick, Bobby Ray Parks Jr., Javee Mocon, at Abu Tratter (All-Rookie Team), Kiefer Ravena, Standhardinger, Beau Belga, Vic Manuel, Arwind Santos, at coach Yeng Guiao (All-Interview Team), PBA D-League Finals MVP Thirdy Ravena (Aspirants’ Cup) at Hased Gabo (Foundation Cup. CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *