CONE COACH NG SEAG CAGE TEAM

Tim Cone

OPISYAL nang magbabalik si Tim Cone bilang coach ng Philippine basketball team makaraang selyuhan ang kasunduan kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio para sa head coaching job sa 30th SEA Games na gaganapin sa bansa sa Nob. 30-Dis. 11.

Si Cone ay balik-Team Phl makaraan ang 29 taon mula sa kanyang naunang tenure kung saan ginabayan niya ang Centennial squad sa bronze-medal finish Asian Games noong 1998 sa Bangkok, Thailand.

Posibleng isabak ni Cone ang isang all-pro team dahil ang SBP ay bubuo pa lamang ng isang bagong ‘dedicated’ national pool upang sumaila-lim sa intensibong programa bilang paghahanda sa 2023 at 2027 FIBA World Cup.

Ang main men ni Cone sa Barangay Ginebra at mga alas mula sa San Miguel Beer at Magnolia ang maaaring bumuo sa SEAG PH team.

“(The SMC players) hatak ‘yan ‘pag si Tim Cone,” ani SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan.

Pormal na tinanggap ni Cone ang coaching job makaraang makipag-usap sa kanyang pamilya.

“I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interested but wanted to finish his game and talk to his family first,” anang SBP president. “Now I’m very happy to announce that coach Tim has officially accepted the role as head coach for Gilas Pilipinas Men in the upcoming SEA Games.”

Si Cone ay may dalawang buwan upang ilatag ang kanyang programa, pumili ng mga player at magsagawa ng training sa regional meet kung saan hindi ­maaaring makahulagpos sa bansa ang gold medal.

Comments are closed.