CONE OUTSTANDING COACH OF THE BUBBLE

Tim Cone

ISA pang kampeonato, isa pang individual award kay Tim Cone.

Sa paggiya sa Barangay Ginebra sa Philippine Cup title sa pinakamapanghamong panahon sa 45 taong kasaysayan ng PBA, si Cone ay pararangalan bilang Outstanding Coach of the Bubble sa PBA Press Corps virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Tinalo ng Kings ang TnT Tropang Giga sa limang laro ng kauna-unahang bubble finals sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga upang kunin ang kanilang unang  all-Filipino crown sa loob ng 13 taon.

At nagawa ito ni Cone sa kabila ng kawalan ng katiyakan na dulot ng COVID-19 pandemic at ng health status ng kanyang mga player.

Si Cone ay sasamahan ni 2019 Baby Dalupan Coach of the Year winner Leo Austria ng San Miguel sa center stage sa special two-in-one awards night na itinataguyod ng Cignal TV at mapapanood sa PBA Rush sa March 8.

Tatanggap din ng major awards sina Commissioner Willie Marcial bilang Mr. Executive at Chairman Ricky Vargas bilang 2019 Danny Floro Executive of the Year.

Gagawaran ng  President’s Award ang 12 member teams para sa kanilang mga sakripisyo upang maging matagumpay ang 45th season ng PBA, kasama si 2019 winner Vergel Meneses, ang kasalukuyang mayor ng Bulakan, Bulacan at isa sa 25 Greatest Players sa kasaysayan ng liga.

Samantala, si NorthPort veteran Sean Anthony ay pararangalan bilang 2019 Defensive Player of the Year.

Ang iba pang  awards na ipagkakaloob ay ang Top Bubble D-Fender (Justine Chua), All-Bubble D-Fenders (Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger, at Chua), Mr. Quality Minutes (RJ Jazul), Scoring Champ (CJ Perez), Game of the Bubble (Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis) at ang All-Rookie Team (Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona, at Renzo Subido).

Gagawaran din ng special citation ang PBA staff para sa kanilang non-stop work upang masiguro ang kaligtasan sa  Clark bubble.

8 thoughts on “CONE OUTSTANDING COACH OF THE BUBBLE”

  1. 710622 198081Oh my goodness! a fantastic post dude. Thank you Even so I is going to be experiencing concern with ur rss . Dont know why Can not subscribe to it. Will there be any person finding identical rss dilemma? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 627815

  2. 378027 42580Hi there, just became aware of your blog by way of Google, and found that it is really informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in the event you continue this in future. Lots of folks will likely be benefited from your writing. Cheers! 451130

  3. 605759 13168I think other website proprietors should take this internet site as an example , very clean and amazing user genial style . 623052

Leave a Reply

Your email address will not be published.