MARAMI ang pinaluha nina Alden Richards at Coney Reyes sa kanilang eksena sa Victor Magtanggol kung saan gumaganap sila bilang mag-ina na nagkahiwalay ng matagal na panahon.
Sa kuwento, hinanap ni Victor na siyang ginagampanan ni Alden ang inang si Vivienne played by Coney at bumuhos ang luha nang sila ay magkita at ang masakit pa ay nang malaman ni Victor na may iba nang pamilya ang inang si Vivienne. A common story it may seem, but Alden and Coney’s poignant scene moved me to shed copious tears. Tagos sa pusong performance na ayon pa kay Alden sa isang panayam sa paglulunsad ng Victor Magtanggol, doon niya ibinuhos ang maraming emosyon sa pagtatagpo nila ni Coney Reyes.
Ayon naman kay Coney, nagkaiyakan talaga sila agad dahil sinabi sa kanya ni Alden na naalala raw sa kanya ng Pambansang Bae ang mother niya, kaya nagyakap sila agad.
Pero may isang hindi alam ang madlang pipol na hindi pa naipapakita ni Coney, at ‘yun ay ang pagiging komedyante niya. Sa mga matagal nang nakakakilala sa kanya at nakasubaybay sa kanyang showbiz career, Coney is a super kikay at madaldal sa likod ng camera, at higit pa roon, nakakatawa.
Kaya sabi nga niya sa grand launch ng Victor Magtanggol, “gusto kong magkaroon ng sitcom. Iyon ang hindi ko pa nagagawa. Hindi lang ako puro drama, marunong din akong magpatawa,” sabay parinig kay Ms. Lilybeth Rasonable, SVP for Entertainment Group ng GMA7.
Marami sa kanyang mga role na ginampanan ay puro drama, api, or kontrabida pero ang kinasasabikan niyang gawin ay ang magpatawa. Sana nga ay mabigyan si Coney ng pagkakataon na may iba pa siyang talent maliban sa magpaiyak.
Mapanonood ang Victor Magtanggol tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad. Kasama rin dito nina Alden at Coney sina Janine Gutierrez, Andrea Torres, Kristoffer Martin, John Estrada, Pancho Magno, Miguel Faustmann, Maritoni Fernandez, Chynna Ortaleza, Eric Quizon, Al Tantay, Dion Ignacio, Lindsay de Vera, with the special participation of Conan Stevens as Thor, the god of thunder and owner of the powerful hammer Mjolnir and Freddie Webb.
KAIBIGAN NI DINGDONG DANTES IBANG KLASENG ‘TAO’
MAY isang kaibigan pala si Dingdong Dantes na matindi ang layunin para sa mga tao. Tulad ng Kapuso Primetime King na magaling sa pakikipagkapwa, itong kanyang kaibigan na si Cong. Dakila Carlo Cua o kilala sa tawag na Dax ay siya palang napili bilang Ambassador at spokesperson ng TAO (Trabaho At Oportunidad), isang organisasyon na mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na nagsama-sama para iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Filipino. Layon ng TAO na bigyan ng training, trabaho at pagkakataong makapagnegosyo ang mga karaniwan ang buhay na kababayan natin.
Bagay na bagay naman kay Cong Dax Cua ang bago niyang tungkulin bilang ambassador at spokesman ng TAO dahil sa kanilang paglilibot sa Misamis Oriental, mainit silang tinanggap ng mga kabataan at mga guro.
Nakatutuwa at talagang nakatawag-pansin si Cong Dax Cua because of his height, he stands 6’3” na at pang-hard court ang dating. Hindi lang ‘yun, boy next door ang appeal at artistahin, kaya pagtabihin man sila ni Dingdong Dantes ay hindi siya pahuhuli. ‘Di ba naman?
May mga humihimok sa kanya na subukan ang pagtakbo sa senado, dahil maganda ang kanyang track record sa public service lalo na sa kanyang nasasakupan. Imagine naman, naging vice governor na ito ng anim na taon, governor ng tatlong taon, at walong taon bilang kongresista. Kaya kahit pribadong sektor at mga powerful politician ay willing na iindorso siya. Pag-aartista? Parang ayaw raw, maglingkod na lang daw siya sa TAO.
May point!
Comments are closed.