MISTULANG hindi tumatanda ni Ms. Coney Reyes nang humarap sa media sa presscon ng “Love of My Life” kung siya ang gaganap na mother ni Tom Rodriquez at tutol na maging wife ni Carla Abellana na isang dalagang ina sa serye.
Hindi naiwasan na ungkatin ng press kay Ms. Coney ang matagal na nilang isyu ni Ms. Dina Bonnevie. Nang makaharap kasi ng media si Ms. Dina ay nabanggit nito ang friendship nila ni Ms. Coney at ang religion ang isa sa dahilan kaya nagbalik muli ang kanilang pagkakaibigang dalawa. Pero imbes na magbigay ng pahayag ay nakiusap na huwag nang buhayin ang matagal na nilang hidwaan ni Ms. Dina.
“Ibaon na natin sa limot ‘yun. Huwag na nating banggitin pa,” pakiusap ni Ms. Coney sa presscon ng Love of My Life.
Sa ngayon kasi ay pareho nang masaya sina Ms. Coney at Ms. Dina sa kanilang buhay at wala nang puwang pa ang naging hidwaan nila nung mga nakaraang dekada.
Hindi rin raw makatutulong sa buhay ng isang tao ang balikan pa ang mga nakaraang pangyayari at sa halip ay ipagpatuloy ang buhay na maging masaya.
GENEVA CRUZ NILAYASAN ANG MGA ANAK SA US
BALIK-BANSA na uli si Geneva Cruz matapos ang matagal-tagal na paninirahan sa Tate kapiling ang kanyang mga anak.
Pero bago umuwi uli ng Pinas ay nagkayakapan at nagkaiyakan sila ng kanyang panganay na anak na si Heaven Arespacochaga na siyang naghatid sa kanya sa Los Angeles International Airport last January 26.
Bago magkahiwalay ng anak ay hindi na naiwasan ni Geneva ang umiyak dahil mami-miss niya ang kanyang mga anak na sina Heaven (23 years old) at London (5 years old). Kailangang magbalik Pinas ang singer/actress para magtrabaho para sa mga anak.
Ang post nga ni Geneva via Instagram:
“When you`re trying so hard not to cry but couldn’t help it. Maaann! It`s hard to be a mom when your child is not a child anymore… I wish I didn’t have to leave you here, @heavenknew anak, but know that I`ll be supporting you from my motherland. Got a few more years to hustle hard and do what I love best. I`ll do my hardest to make you and your sister proud and give you both a brighter tomorrow. I love you so much and take care of yourself. Facetime at Facebook regularly please. PS, I`m proud to be your mommy…forever and always. Mima P.P.S. Still crying. #genevaandheaven #manilaimcominghome.”
Sumabak agad sa trabaho si Geneva last January 29 sa City of Dreams kesehodang may jet lag pa siya.
“Jet lag? What #jetlag? There`s nothing 3 cups of coffee can`t solve. First day working in Manila last night at #cityOfDreams!”
Sa Los Angeles na naka-base si Geneva. Huling balita sa kanya ay nakikipag-date siya sa isang concert/producer na si Nikolas Booth, a former US Marine.
SAM CONCEPCION AT BIANCA UMALI MADADALAS ANG PAGSASAMA
TILA mapapadalas ang pagsasama nina Sam Concepcion at Bianca Umali dahil sa Asia Halfworlds ng HBO. Sa TVC nga ng isang brand ng shampoo ay mga taga-ABS ang kasama ni Bianca.
Kasama naman ni Bianca si Inigo Pascual na ambassador ng World Vision Hopetown at sa wish nga ng mga nakakita sa larawan nilang dalawa ay sana raw magsama sila sa isang project. Kung natuloy pala si Bianca sa Darna ay hindi na siya mahihirapan magkaroon ng mga kaibigan sa ABS- CBN.
Samantala, ang susunod na makakasama ni Bianca para sa GMA-7 teleseryeng Legal Wives ay si Dennis Trillo. Ang tanong ay kung ano ang magiging role ni Bianca? Isa kaya siya sa mga magiging asawa ni Dennis sa serye?
Grabe, ang ganda at seksi ngayon ni Bianca at sigurado kami na walang lalaki ang hindi mabibighani sa ganda at karisma ni Bianca na ganap nang dalaga.
Comments are closed.