CAMP CRAME – PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19) makaraang tatlong iba pang nagpositibo sa nasabing sakit.
Sa record ng PNP Health Service kahapon, Mayo 5, kabuuang 112 PNP personnel ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19, 17 ang nakarekober habang nananatili sa tatlo ang nasawi at 92 pa ang patuloy na ginagamot.
Ang 92 active cases ay isinasailalim sa strict observation ng PNP doctors, ang 68 patients ay nasa quarantine facilities, ang lima ay naka-admit sa iba’t ibang ospitals, habang ang19 personnel ay naka- home quarantine at minomonitor pa ring ng PNP Health Service.
Kabilang naman sa bagong kaso ay si PNP 110, 48-anyos na babae mula sa Paranaque City; PNP 111, 29- anyos na lalaki mula sa San Juan City; at si PNP 112 – 32-anyos ng lalaki mula sa National Capital Region.
Ang 310 PNP personnel ay itinuring na Probable Persons Under Investigation (Probable PUIs), ang 384 personnel ay bilang Suspected Persons Under Investigation (Suspected PUIs).
Sa kabuuan, mayroong 1,063 PNP personnel na apektado ng sakit at ang 375 ayProbable PUIs, 686 ay Suspected PUIs, habang ang dalawa na confirmed positive patients ay nakakompleto na ng home quarantine subalit minomonitor pa ring ng PNP-HS. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.