CONG. ANDAYA NAILIGTAS NG MALUWAG NA PANTS NG HITMAN

REP-ANDAYA

CAMARINES SUR – PUMALPAK ang isang ambush attempt kay House majority leader Congressman Rolando Andaya Jr. sa Brgy. Cadlan, Pili, kahapon.

Sa report ng PRO-5 na nakarating sa Camp Crame, ang tangkang pananambang ay naganap kahapon ng alas-3 ng hapon malapit sa Civil Service Commission sa  bayan ng Camarines Sur

Sa report, isang suspek na kinilalang si Ray John Musa, 26-anyos, miyembro ng Capitol Complex Security Unit, at residente ng Brgy. Himaao, Pili, ang namataang umaaligid malapit kay Andaya.

Nagtangkang bumunot ng baril sa kanyang baywang ang suspek subalit nabitiwan niya ang baril at nahulog ito sa loob ng kanyang maluwag na pantalon.

Agad napansin ng close-in security ni Congressman Andaya na si retired PCI Samuel Alforte at ni Lupi Mayor Roberto M. Matamorosa ang suspek at pinigilan nila ito.

Nakuha mula sa suspek ang isang .38 Smith and Wesson revolver na walang serial number na kargado ng limang bala.

Ang suspek ay iti­nurn-over sa rumes­pondeng pulis na si PO3 Renan Bongalon, na naka-duty sa COMELEC Camarines Sur office. REA SARMIENTO

Comments are closed.