CONG.BONG BRAVO TATAKBONG GOBERNADOR

MASBATE- Tinuldukan na ni Masbate 1st district Cong.Narciso”Bong”Bravo Jr. ang agam-agam ng ilang tagarito hinggil sa plano nitong sungkitin ang pinakamataas na posisyon sa Kapitolyo matapos pormal nang maghain ito ng kanyang Certificate of Candidacy(COC) sa Provincial COMELEC Office noong Oktubre.1 bilang kandidatong Gobernador sa 2022.

Kasama ni Bravo na naghain ng COC sa ilalim ng National Unity Party (NUP) ang asawa nitong si dating kongresista Maria Vida”Marvi”Espinosa Bravo na papalit sa kanya bilang kinatawan ng unang distrito ng lalawigang itinuturing na isa sa pinakamahirap na lugar sa bansa.

Dumalo muna sa misa sa St .Anthony Cathedral sina Bravo na sinabayan din ng dating Gobernador Rizalina”Dayan”Seachon Lanete na inaasahang tatakbo ring kongresista ng ikatlong distrito, at iba pang taga-suporta nito bago tumungo sa COMELEC ang grupo ng oposisyon.

Sa isang Press Conference na isinagawa,sinabi ng Chairman ng Public Order and Safety ngayon sa Kongreso na naka-sentro sa 5 point agenda ang kanyang programa kabilang ang pagpapalawig ng serbisyong medikal sa mga mahihirap,pagbibigay ng solusyon sa lumalalang problema ng suplay ng kuryente at tubig sa lalawigan, edukasyon, pagpapagawa ng karagdagang tourism access road upang mas lalo pang dayuhin ng mga turista ang lugar na kilala sa naggagandahang resorts nito at palakasin ang agrikultura sa probinsya kasama ang pagbibigay ng dagdag kaalaman sa mga magsasaka at malaking tulong pinansyal para maibsan ang nararanasang paghihirap sa gitna ng krisis ngayon.

Makakabangga ng tumatayong ama ng oposisyong si Bravo ang kasalukuyang Gobernador na si Antonio Kho. NORMAN LAURIO

5 thoughts on “CONG.BONG BRAVO TATAKBONG GOBERNADOR”

  1. 43875 645331You produced some decent points there. I looked more than the internet for any dilemma and found most individuals goes as effectively as together with your internet internet site. 764386

  2. 911855 576077Its a shame you dont have a donate button! Id without a doubt donate to this brilliant blog! I suppose for now ill settle for book-marking and adding your RSS feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this weblog with my Facebook group. Chat soon! 377387

Comments are closed.