CONG. DUAVIT AT GOV. YNARES PASOK SA PULSO NG BAYAN!

MATAGAL ko nang kilala itong si Cong. Michael John “Jack” Roy Duavit ng unang distrito ng Rizal.

Super sipag ng mamang ito kaya kahit sa ibang lalawigan ay kilala siya.

Kinagigiliwan at hinahangaan siya ng kanyang mga kababayan.

Kaya naman, ito ang dahilan kaya humataw si Duavit sa Pulso ng Bayan survey ng Hypothesis Philippines noong June 18-July 8, 2023.

Sinasabing nanguna rito si Cong. Elpido Barzaga, Jr. ng Cavite 4th District na nakakuha ng 93.6% habang pumangalawa naman si Cong. Duavit na nakasungkit ng 93% at pumangatlo si Cong. Arturo Garcia, Jr. ng Rizal 3rd District na may 92.8%.

Kung hindi ako nagkakamali, sa Region IVA survey na ito ay nakibahagi ang 10,000 respondents mula sa Region IV-A.

Ang mga nakiisa sa independent at non-commission survey ay pawang mga rehistradong botante at residente ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na nasa edad na 18 hanggang 70.

Sa hanay naman ng mga gobernador sa CALABARZON, nanguna si Gov. Hermilando Mandanas ng Batangas na nakakuha ng 95.2%. Humataw naman ang idolo ng marami na si Gov. Nina Ricci Ynares ng Rizal matapos masikwat ang ikalawang puwesto.

Nasa 94.6% ang nakuhang suporta ni Ynares mula sa kanyang mga kababayan. Pumangatlo naman si Gov. Juanito Victor Remulla ng Cavite na nakasukbit ng 90.8%.

Hindi naman maitatanggi na napakasipag talaga nitong si Ynares. Kumbaga, rain or shine ay tumutulong o umaayuda sa mga taga-Rizal ang gobernadora.

Sabi ko nga, ang panibagong survey na ito ay repleksiyon lamang ng tunay na paglilingkod nila sa kanilang nasasakupan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!