SUMAKABILANG buhay na ang ama ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves Jr. na si Arnulfo Teves Sr. sa edad na 77.
Inanunsiyo ito ni Henry Teves, anak ni Teves Sr. subalit hindi na nagbigay pa ng detalye rito.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, hindi makakadalo ang kanyang kliyente sa burol ng ama.
Kasalukuyang nasa Timor Leste pa si Teves na itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa bayan ng Pamplona sa Negros Oriental noong Marso 4, 2023.