CONG. YAP NAKIUSAP NA HUWAG MAGING PASAWAY

Eric Yap

“PATULOY na kakalat ang COVID-19 sa bansa hangga’t may mga taong pasaway at ayaw sumunod sa panawagan ng pamahalaan”.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap hinggil sa tila patuloy na pagsirit ng mga nahahawaan ng virus kahit naka-modified enhanced community quarantine (MECQ) na ang Metro Manila at mga karatig lalawigan sa Regions 3 at 4A.

“Iniintindi ng gobyerno yung mga taong lumalabas ng bahay para magtrabaho o maghanap ng  makakain,” ani Cong. Yap.

“Pero yung mga nagkukuwentuhan lang sa labas ng bahay at hindi sinasaway ang mga anak nila na naglalaro sa lansangan, ay hindi nakakatulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID”, dagdag pa ni Yap, chairman ng House Committee on Appropriations.

Paliwanag ni Yap, gustuhin man ng gobyerno i-lockdown ang ilang lugar na mataas ang COVID tulad sa National Capital Region (NCR) pero hindi kaya dahil said na aniya ang kaban ng bayan.

“Kaya ang mainam, tumulong na lang tayo kaysa maging pabigat sa gob­yerno…please stay at home,” ayon sa mambabatas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.