IMINUNGKAHI ng isang grupo na binubuo ng CEOs at COOs sa bansa ang paniningil ng fee sa mga pribadong sasakyan na gagamit ng congested roads tuwing rush hour.
Ayon sa 1,000-strong Management Association of the Philippines, ipinapanukala nila ang ‘congestion pricing’ dahil nagrereklamo na ang mga empleyado ng member firms.
Sa ulat ng US Federal Highway Administration, ang mga lungsod tulad ng London at Singapore ay nagpapatupad ng congestion pricing upang mapigilan ang paggamit ng mga pribadong sasakyan sa mga lugar na mabigat ang daloy ng trapiko gaya ng central business districts.
“Public utility vehicles should be prioritized and allocated more lanes during rush hours. These should also be exempted from the number coding scheme to encourage the use of public transport,” ayon sa MAP.
“It is absurd that the Number Coding applies to PUVs, considering that hundreds of thousands of commuters are lining up starting at 5:30 a.m. and as late as 9:30 p.m.,” sabi pa ng grupo.
Comments are closed.