CONGRATS, CLARICE!

on the spot- pilipino mirror

UNANG-UNA ay congratulations sa organizers ng 2019 SEA Games at naging matagumpay ang isinagawang opening noong Nov. 30 sa pinakamalaking Arena sa buong mundo, ang PHILIPPINE ARENA na pagmamay-ari ng Iglesia Ni Cristo at  matatagpuan sa Ciudad de  Victoria, Bocaue, Bulacan. Bagama’t alas-7 ng gabi pa ang opening ceremony ng biennial meet ay maaga pa lamang ay marami na tayong mga kababayan na naroon sa Philippine Arena, inaabangan ang pagdating ng ating mga atleta. Ang lahat ay naging excited sa opening ng SEA Games.

“We Win As One”. Opening pa lang, pakiramdam ng sambayanang FILIPINO ay panalo na tayo, hahakot tayo ng medalyang ginto. ­Congrats at MABUHAY.



Sa pangalawang pagkakataon ay lumaban si Anna Clarice Patrimonio, ang pangatlong anak ni Magnolia Hotshots team manager Alvin Patrimonio. Sa unang laban nito kontra Singapore noong Linggo ay nanalo ito. Pero kahapon against Vietnam ay natalo siya . Kaya naka-bronze lang si Patrimonio. Ayon sa parents ng player, very proud sila sa kanilang dalaga kahit bronze lang ang nakuha. Para sa bansa ang karangalan. Congrats, Clarice.



Habang isinusulat ko ang kolum na ito ay pasok na sa finals ang women’s team sa 3X3 at kapapanalo lamang ng men’s team natin laban sa Thailand, 21-11. Walang awang nilampaso nina CJ Perez, Mo Tautuaa st Newsome ang kanilang kalaban kahapon na ginawa sa FilOil Arena.

Narito ang schedule ng ilang laro para sa araw na ito: badminton (women’s) – 10 a.m. sa Muntinlupa Sports Complex; bowling (singles event) – 9 a.m.,  women’s at men’s single event – 14:00 sa Coronado Lanes Starmall,  EDSA;  fencing (individual foil, women) – 16:40; men, 17:10.

Ang ice skating ay mapapanood sa SM Megamall simula  17:20 hanggang 18:40. Unang mapapanood ang babae para sa event ng Short Track Speed 500M, gayundin ang lalaki. Ang huli ay ang Short Track Speed 3000M Relay para sa babae.

Hanggang alas-3 ng hapon kahapon ay may 28 golds na ang ating mga atleta.