HINDI na nag-aksaya ng oras ang kampo ng Barangay Ginebra noong Wednesday para iuwi ang PBA Commissioner’s Cup crown laban sa sister team San Miguel Beer, 93-77.Sinamantala ng Kings ang kawalan ng ganang maglaro ng tropa ni coach Leo Austria kaya naman rumatsada nang husto ang mga player ng Ginebra.
Si Scottie Thompson ang nahirang na Finals MVP ng grupo ng PBA Press Corps. Naging kalaban ni Scotie ang kanyang teammate na si Joe Devance. Deserving naman si Thompson na maging Finals MVP, kung maglaro siya ay animo malaking tao. Walang takot sumugod sa malalaking taong nagbabantay sa kanya pati na sa pag-rebound. Malayo pa ang tatahakin ng tubong-Dumaguete, at marami pa siyang award na makukuha kung hindi magbabago ang pulso ng kamay niya. Congrats sa Ginebra at kay Scottie Thompson.
Matapos masungkit ng Brgy. Ginebra ang kampeonato ay tumuloy ang buong team sa Diamond Hotel para sa kanilang celebration. Sa loob ng dug-out ng MOA Arena ay ‘di magkandaugaga ang mga player sa pagbuhos ng malamig na tubig sa kapuwa players nila. Si Ms. Apple David ay hindi rin nakakawala sa Kings players na binuhusan din ng tubig.
Kung gaano kasaya sa dugout ng Ginebra ay siya namang lungkot ng kampo ng Beermen. Walang imikan ang mga manlalaro ng San Miguel. Mga nakayuko at tila ‘di makapaniwalang natalo sila sa lakas ng puwersa ng mga player ni coach Leo Austria. Matagal din silang nagsipaglabas sa kanilang dugout. Bawi na lang next conference na magsisimula sa Agosto 17.
Bukas na ang pinakaaabangan ng mga basketball fans, ang History Con 2018 na gagawin sa World Trade Center Manila, simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 mg hapon. Ito ang Manila’s biggest entertainment kung saan makikita at posibleng maglaro para sa 3 on 3 sina Diego Loyzaga, (Celebrity Car Wars) Xian Lim, Jaime Dempsey (Ride N Seek), Giorgio A. Tsoukalos (Ancient Aliens), Katheryn Winnick (Vikings), Simon Ying (The History Hustle), at Mong Chin (Who Runs TjecWorld). Kalahok ang team nina actor Jason Abalos, Andrew Gan, ex-PBA/MPBL player/actor Mark Andaya, ex-PBA Khasim Mirza at marami pang iba.
Comments are closed.