CONGRATS SA PBAPC AWARDEES!

on the spot- pilipino mirror

NAGING matagumpay ang 25th anniversary celebration ng Annual Awards Night ng PBA Press Corps kamakalawa sa Novotel Manila Araneta Center bagama’t may halong pressure sa speech ni Alaska team owner Wilfred Uytengsu, na may  patama sa liga, gayundin sa kampo ng SMC.

Pasalamat ang lahat at cool pa si SMC sports director Alfrancis Chua na hindi pinansin ang mga paratang ni Mr. Uytengsu. Kung iba-iba ‘yun, mal-amang ay umuusok na ang tainga. Pero naging mahinahon naman ang grupo ng SMC.



Pangunahing pinarangalan ng PBAPC si Paul Erram bilang ‘Best Defensive Player of the Year’.  Dating player ng Blackwater si Erram na nalipat sa NLEX  Road Warriors.  Iginawad naman kay Vic Manuel ng Alaska Aces ang ‘Mr. Quality Minutes’ at ang inyong lingkod ang nag-abot ng tropeo, kasama si coach Olsen Racela.

Ang iba pang tumanggap ng award ay sina  Stanley Pringle ng NorthPort (Scoring Champion), Chris Tiun ng Rain or Shine (Breakout Player of the Season) at  Barangay Ginebra-Rain or Shine triple overtime thriller (Game of the Season). Iginawad din ang Order of Merit (June Mar Fajardo, Paul Lee, Vic Manuel), All-Rookie team (Jason Perkins, Christian Standhardinger, Paul Zamar, Robbie Herndon at Jeron Teng), at ang  All-Interview team (Christian Standhardinger, Chris Tiu, Chris Ross, Mike Digregorio, Joe Devance at Yeng Guiao).

Nakuha naman ni Magnolia coach Chito Victolero ang Virgilio Baby Dalupan Coach of the Year trophy kung saan tinalo niya sina Barangay Gine-bra coach Tim Cone at Leo Austria ng San Miguel Beer, habang ang  Danny Floro Executive of the Year ay napunta kay SMC sports director Alfrancis Chua.

Ang  President’s Award at ang kauna-unahang Lifetime Achievement Award ay tinanggap naman nina POC President Ricky Vargas at Alaska team owner  Wilfred Uytensu, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang awardees ay sina top rookie pick CJ Perez ng Zarks-LPU Jawbreakers na nanalo  para sa  Aspirants Cup at Gab Banal ng Gold para sa  Foundation Cup.



Full support naman ang Alaska Aces sa kanilang boss na si Mr. Uytengsu. Even ang kanilang team doctors ay present. Bukod tanging hindi dumat-ing si coach Alex Compton.

Hindi rin nakarating si Christian Standhardinger.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Chris Ross ng SMB nang sabihin nitong uuwi na lamang siya nang sabihin naming wala na siyang mauupuan. Sabi nito, uuwi na lang daw siya kung wala siyang upuan. Arte, ha.

Sa mga awardee, congratulations, at sa aming PBA Press Corps president Mr. Gerry Ramos ng SPIN.ph, gayundin sa mga former president at member. Mabuhay tayong lahat!