CONGRATS, THIRDY, EAGLES!

on the spot- pilipino mirror

TINAPOS na ng Ateneo Blue Eagles ang 82nd season ng UAAP laban sa UST Growling Tigers, 86-79. Si Thirdy Ravena ang nahirang na Finals MVP, na deser­ving naman sa award. Sobrang galing talaga ni Thirdy, gumawa siya ng record na sa unang pagkakataon ay tatlong sunod siyang naging Finals MVP. Ayon sa kanya, nawala na siya sa anino ng kanyang manong. Hindi sa iniintriga ko ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, sa nakita  kong laro ng dalawa ay mas mahusay  si Thirdy kaysa sa kanyang manong.

Ngayon ay level up na si Thirdy. Magpo-focus naman siya sa pagpasok sa PBA kung saan lalahok siya sa Annual Draft sa darating na Dec 8 sa ­Robinsons Place Manila. Congrats, Thirdy at sa lahat ng Ateneans!



Pagkatapos  manalo ng Ateneo sa UST ay grabe nakakaawa ang mga player ng huli. As in umiiyak sila habang lumalabas ng court. Lalo na sina Renzo Subido at Mark Nonoy pero sadyang ganoon, mahuhusay ang players ng Ateneo at nasa kanila ang halos lahat ng best players

Tulad ng sabi ni coach Aldin Ayo, hindi siya aalis ng UST dahil mahal na mahal niya ito. Unless siya ang  aalisin ng Uste. Bawi coach, next year..



Sinuspinde ng SMC management ang tatlong players nila na sangkot sa kaguluhang nangyari sa practice ng team noong Nov. 17.  Indefinitely suspended sina Arwind Santos, Ronald Tubid  at Kelly Nabong. Ayon sa management, hindi nila tinotole­rate ang ganitong insidente lalo na’t mga professional basketball player sila. Dapat ay sa kanila unang nakikita ang pagiging sports dahil sila ang pinanonood ng mga kabataan.

Hindi na nga pinaglaro noong Miyerkoles sina Santos, Tibid at Nabong laban sa TNT KaTropa. Talo ang SMB. Goodbye Grand Slam  na nga ba ang Beermen?

Tsika pa namin, posibleng mai-trade ang tatlo.  Abangan natin ‘yan.

Ewan ko ba kay Santos kung bakit parang mainit ang dugo niya sa kanilang mga import. Kung natatandaan ninyo, sa game ng San Miguel Beer ay nagkapikunan sila ni import Balkman kung saan sinakal siya ng huli. Pinauwi si Balkman dahil banned na ito sa PBA.



Pinaghahandaan na ng twin brothers  na sina Matt and Mike Nieto ang pagpasok sa PBA. Handa na ang dalawa para sa Annual Draft  sa Dec. 8. Sina Matt at Mike ay kabilang sa pinagkakatiwalaan ni coach Tab Baldwin. Nanguna rin sila sa 3-peat ng Ateneo Blue Eagles. Very proud naman ang kanilang parents na sina Dra. Gerlie at Engr. Mike Nieto. Good luck!

Comments are closed.