KULUNGAN ang binagsakan ng 47 anyos na ginang na kumakandidato sa pagka-kongresista sa 2nd District ng Palawan kaugnay sa bouncing check sa Pasig City.
Sa ulat ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya kay EPD-district director BGen. Orlando Yebra Jr, kinilala ang nadakip na si Magnolia May San Jose y de Leon, residente ng No. 147 Stanford St., Provident Village, Brgy., Jesus Dela Peña, Marikina City.
Nabatid na dakong alas-10:55 ng gabi nitong Martes ay dinakip ng intelligence operatives ang ginang sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang tahanan sa Provident Village sa lungsod ng Marikina.
Ayon kay Arugay, bitbit ng mga operatives ang warrant laban sa suapek na inilabas ni Hon. Judge Honorio C. Ebora Jr., ng MTC Branch-71 Pasig City na may CC# M-PSG-21-02491-93-CR na may petsang Agosto 1, 2021.
Pasamantalang nakapiit ang arestadong ginang sa detention cell ng pulisya. ELMA MORALES