CONSIGNEE NG P20.4-M SHABU ARESTADO -PDEA

INIULAT ng Drug Enforcement Group (PDEG) na naaresto ng mga awtoridad ang “consignee” ng package na naglalaman ng P20.4 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang naarestong suspek ay personal na kinilala ni PDEG Director Police Brig. Gen. Dionisio Bartolome Jr. na si Tammy Bagatao, alyas Joseph Manasseh Acogido, 51-anyos.

Inaresto ang suspek ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City bandang alas-5 ng hapon.

Narekober sa suspek ang 3-self sealing transparent plastic pouch na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 3 kilo na nagkakahalaga ng P20.4 milyon at tatlong magkakaibang ID.

Ang suspek at ang narekober na ebidensya ay dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Office para sa dokumentasyon. EVELYN GARCIA